Chapter 16

2.1K 73 104
                                    

not proofread. typos ahead.


Chapter 16

Used


Ilang araw akong hindi makapaniwala! I know it was too fast, but then I liked it. I don't want to complain because I liked it. At isa pa, hindi ako mahilig sa ligawan. I find it a waste of time. Just date already and break him up if he's not good along the way.

"Blooming mo these days. May bago ka na bang crush?" tanong ni Ashanti habang naglalakad kami papunta sa gymnasium nina Kuya Mooze. We will watch a basketball game.

May bago agad? Hindi ba pwedeng tanungin kung gusto na rin ba ako ni Rejo? Kung kami na ba?

Sabagay. Parang imposible kasi 'yon kaya 'di n'ya maitanong. Pero... nagkatotoo na.

"Wala naman. Hindi lang ako stressed sa acads these days..."

"Wow!" tumawa siya nang papasok na kami. "Samantalang ako halos hindi na makahinga sa dami ng requirements."

"Pero niyaya mo akong manood ngayon?" sipat ko habang naghahanap kami ng upuan. Ang daming tao!

"My boyfriend is playing!"

Department of Architecture kalaban ang College of Nursing. Kalaban ni Rejo ang boyfriend ni Ashanti. Napangisi ako. My boyfriend versus her boyfriend.

Pagkaupo namin sa bandang dulo malapit sa pinto ng gymnasium, nakita ko na si Rejo na tumatakbo habang hawak ang bola. He did some tricks while guarding the ball. I can't help but show my smile! His shoes were loud. Tumakbo siya, siniko ang kalaban, umatras sa three point line at nag-shoot. Counted ang score n'ya kahit napituhan.

Kumunot ang noo ko nang nakita siyang sinugod ang humarang sa kan'ya. Hindi n'ya naman sinapak. Parang kinakausap n'ya lang.

I know I should feel concerned because he might get into a brawl, but he looked good when he's arrogant. He clenched his jaw and shook his head. Kinalma siya ng isang taga nursing.

Hindi naman kasi sana masisiko 'yong kalaban kung hindi biglang humarang. I don't know how this game works but I'm sure Rejo was in the right side.

Ashanti cheered for the nursing department. I chuckled and looked at her after she shouted so loudly. Umiling ako at binalik ang tingin kay Rejo.

Our eyes met while he was holding his both knees. Slowly, his smirk appeared before he started to play again.

Binabantayan ng boyfriend ni Ashanti ang boyfriend ko. May ngisi sa mga labi nila. I shook my head and tried to watch the other boys. Kakampi pala nila si Joshua Tan. Nahuli ko siyang nginitian ako. I didn't know what to do so I smiled back a little. Sobrang tipid.

When I looked back to Rejo, he glanced at me with his dark eyes. Umiling siya at nagseryoso sa laro. He kept making points.

"Oa naman maglaro ni Rejo. Tune up lang naman 'to," sabi ni Ashanti nang tambak na ang College of Nursing.

Natawa ako. Kasalanan n'ya ba na magaling siya? Hindi siya oa, magaling lang talaga. At saka mayabang.

When the game ended, Ashanti asked permission if she could go to her boyfriend. Siyempre pumayag ako kahit walang ibang kasama.

Dinumog sina Rejo ng mga babae. Mga magpapa-picture siguro. I can't do that so I left the gymnasium. We're in a secret relationship so I must maintain my coolness. Ayaw kong mahalata kami...

Magsi-six na pero ang dami pa ring estudyante. Marami sigurong may night classs. Pumunta ako sa parang food street, malapit sa field. Ang daming stalls at tents.

Guarded Soul (The Brats #2)Where stories live. Discover now