Chapter 24

1K 38 10
                                    


Chapter 24

Far



"What if people start to discover that you're the girl? Siguradong gugulo ang buhay mo!" si Ashanti.

Nasa kitchen siya kasama ako. I helped her bake something for her boyfriend. Ibibigay n'ya mamaya dahil may laro sa court, sa kabilang subdivision, at kasama sina Kuya roon. Rejo would be there too for certain.

"I won't mind. 'Di na lang ako mag-oonline," I said as if I wasn't affected and bulletproof.

She scoffed. Mabagal n'yang nilalagay ang mga cookies sa box. She was so careful. Napaka out of character, ha! 'Di n'ya bagay.

"As if naman sa online ka lang aatakehin? Our world isn't that big! Siguradong pati sa school pag-uusapan ka. Some might bully you."

"I'll just pretend I don't care. Time will pass by and people will eventually move on," I said and eat the first batch of cookies. Pinagtiisan ko.

"Even so! Masasaktan ka pa rin. May mahuli lang talaga akong mananakit sa'yo, kahit verbal pa, kahit online!" Nanlilisik ang mga mata n'ya habang inaayos ang mga cookies.

I rolled my eyes and didn't reply anymore. Gusto ko na rin matigil ang usapin tungkol doon.

I smiled because of Ashanti's love for me. Nag-arrange din ako ng cookies para kay Rejo. Ipapadala ko na lang kay Shanti.

Pumasok si Kuya Mooze sa kitchen. Sasabay na si Ashanti sa kaniya. Our eyes met and his eyes reminded me of Alaska. How can I break the iceberg between us? He keeps on ignoring me. Minsan pinag-iikutan pa ako ng mga mata kapag nagkakasalubong kami sa hagdan. Pero minsan pinagtitimpla naman ako ng gatas.

This boy talaga. Buti nagustuhan 'to ni ate Win? Ang spoiled, grabe ang attitude, tapos gusto n'ya siya laging tama o nasusunod. Well not all the time, but MOST of the time.

"Bye, Shanti!" sabi ko nang nakapasok na siya sa sasakyan ni Kuya.

She waved back. "Ako na bahala," and then she winked before going inside.

Pinapaikot ni Kuya ang susi n'ya habang naglalakad palapit sa driver's seat. Hinarang ko sa kaniya ang isang pack ng cookies. Tinaasan n'ya ako ng kilay nang magkatinginan kami.

"Here. I made some for you too..."

Nagtagal ang ma-attitude n'yang mukha sa akin. Bumuntong-hininga siya at akala mo sobrang hirap na desisyong kunin ang cookies sa kamay ko!

Bumuntong-hininga na lang din ako nang dumiretso na siya. No thank you.

I bit my lip and watched their car go. Naiwan akong nakatayo roon hanggang sa nagsara na ang malaking gate.

Naging emotional ako. May namumuo ng tampo sa puso ko. Why can't he understand me until now? Instead of consoling me and support what makes me happy, he's doing all these things that hurt me stingly. Naiintindihan kong nagtatampo rin siya at galit sa mga naging desisyon ko, but isn't it too much already?

I wiped my tears before going upstairs. Natulog lang ako pagbalik ko sa kwarto. I sent a letter to Rejo through the box of cookies. Nasa ilalim 'yon. Nagising ako nang may maamoy na fries. I sat slowly and rubbed my eyes.

"Kuya Trev..." nakanguso kong banggit sa pangalan n'ya.

His handsome smile appeared. "Hello, Little Trev. Wanna binge-watch?" Hawak n'ya ang isang malaking container na may fries.

I hugged him tightly. Somehow, his presence stitched some part of my open wound.

"You don't have class? Or readings?" I asked while waiting for the movie to start.

Guarded Soul (The Brats #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon