Prologue

4.5K 101 120
                                    

Prologue

Certain Guy


"Why do you always go with Mooze every time he plays basketball?"

I was finishing my cereals in the dining area when Kuya Trevor asked it. Naka-sando pa dahil kagigising. Kaaalis lang ni Kuya Mooze nang pumasok siya kaya palagay ko narinig n'ya ang pinagusapan namin. May laro kasi si Kuya Mooze sa court mamaya kasama ang ilang kaibigan n'ya at gusto kong sumama.

"Because Ashanti and I are bored..."

I didn't lie when I said that! It's half true. May iba nga lang na dahilan kaya lagi akong sumasama. Kaya lagi kaming sumasama.

"Why don't you just come with me in the coffee shop?" kunot ang noo niya, magulo ang buhok at binubuksan ang bagong karton ng gatas. Siguro kung makikita siya nga mga schoolmates namin na ganito ang hitsura, baka mahimatay sila sa kilig.

My brothers are satisfyingly handsome.

"And study with your friends? Kuya, katatapos ko lang mag-aral. At saka—" Hindi ko alam kung itutuloy ko, pero dahil naghihintay siya ng katuloy... "Ang boring ng grupo niyo. Kuya Mooze is right. Nerds kayo."

Kuya Trev eyed me. "Mooze said that?" hindi makapaniwalang tanong ng kuya ko.

I chuckled and finished my food.

Umismid si Kuya Trevor. "Mooze is just dumb that's why he said that..." at umalis na si Kuya kasama ang isang baso ng gatas. He wasn't pissed. Gano'n lang talaga sila sa isa't isa lalo na't halos magkaiba sila ng pananaw sa ibang bagay.

Kuya Mooze is dumb? I doubt that. Kuya Mooze is also smart even though he's playful at school. My brothers are naturally smart, while I still have to study hard just so I could get good grades. It's so unfair! Kay Daddy kasi sila nagmana. Hindi ko sinasabing mahina si Mommy sa academics, it's just that... dad is better.

Matapos suotin ang puti kong sneakers ay bumaba na ako mula sa kwarto. Nandoon na si Kuya Mooze sa living room, nanonood ng Japanese language tutorial sa YouTube. I smirked at that and didn't tease him. Baka hindi ako isama sa laro nila.

"Let's go, kuya!" excited kong sabi.

Buti hindi nagtataka si Kuya na lagi akong nakabuntot sa kan'ya tuwing may laro siya ng basketball. Pero minsan... feeling ko may alam na siya.

Lumabas na kami ng bahay. A soft music is playing while we're on our way.

"Kakain kami after ng game. Sasama pa ba kayo ni Ashanti?" tanong n'ya habang nagmamaneho. Lingon pa nang lingon sa salamin. Gwapong-gwapo sa self.

"Yes—"

"H'wag na. Masyado ka nang nakiki-belong," he joked.

Umirap ako.

"Why ba? Nagrereklamo na ba ang kaibigan mo? If I know baka crush pa ako ng iba roon!"

Malakas siyang tumawa, may pagpalo pa sa manibela. Napairap ulit ako kahit natatawa rin. Wala naman akong pakialam kung gusto ako ng ibang kaibigan n'ya. Loyal ako sa crush ko, 'no!

"Kaya tayo nasasabihan ng mayabang, eh..." nakangisi pa rin si Kuya. His biceps are exposed. Na siguradong kukuha na naman ng atensyon sa mga babae mamaya sa court.

I made a face because of what he said.

"Kayong boys lang talaga ang gumagawa ng ikasisira ng apelyido natin. My classmates sometimes honestly voice out their impressions about the boys of our family. Gwapo raw kaso minsan mayabang."

We all have our boastful sides. Nasobrahan nga lang ang sa kanila. Kina Kuya Mooze at Kuya Tiago.

"And I presume those 'classmates' are boys? Mga inggit lang 'yon," at umirap pa siya!

Guarded Soul (The Brats #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon