Chapter 15

1.7K 70 69
                                    


Chapter 15

Date



"You promised you'll take her home, Diego. This isn't the first time you did this," strict na sabi ni Daddy nang maabutan n'ya kaming kumakaing tatlo sa kusina.

May hangover ako. Medyo masakit ang ulo ko, tapos todo sermon pa si Daddy.

"Dy, malaki na ako..." sabi ko habang humihigop ng soup, gawa ni Kuya Trev.

Tumango si Kuya Mooze. "Yes, I'm sorry, Dad. Nasobrahan ang inom ko kagabi. Nahatid naman siya ni Rejo..."

Halos mabilaukan ako sa narinig. I tried so hard not to make a sound. Ang ending, ang sakit ng lalamunan at ilong ko. Nabigla kasi ako.

Unti-unti ko nang naalala ang mga nangyari kagabi! I was a mess.

"Buti na lang meron si Rejo..." sabi pa ni Mommy, nakatayo sa tabi ni Daddy. Naka pang trabaho na sila. Aalis na sana pero naabutan kaming tatlo.

"Next time make sure to bring her home. Even you, Trevor. Are you too busy with your study or are you busy with something else?"

Natawa si Kuya Mooze sa sinabi ni Daddy. Napangiti lang naman ako habang umiiling si Kuya Trevor. Magkakatabi kami sa harap ng counter top, kumakain.

"Yes, Dad. Sorry po..." sabi rin ni Kuya Trevor.

Natapos na rin naman kaagad ang sermon time kaya nakahinga na ako nang maluwag. I was drinking my milk when my brother spoke.

"Sorry, Ra. Na carried away ako kagabi, tang ina," sabi ni Kuya Mooze.

"Tagal mo nang heartbroken," kalmadong sabi ni Kuya Trev at tumayo para kumuha ng tubig sa ref.

Kuya Mooze raised a middle finger. He looked at me.

"Ano bang nangyari kagabi? Maaga ka namang naiuwi ni Rejo, 'di ba?" tanong n'ya. Buti na lang hindi nagtagal ang titig niya sa akin dahil baka makahalata siya na may nangyari!

I saw Kuya Trev smirk.

"M-maaga akong naiuwi... Safe din kasi hindi naman siya gaanong uminom."

"Uminom 'yon! Hatd liquors pa ininom ng lalale na 'yon. Buti nag sober up agad?"

Bakit ba namin siya pinag-uusapan? Tapos si Kuya pa talaga? Baka kapag nalaman niya na ako ang nagpa sober up sa kaibigan n'ya mamutla siya.

"I don't know. Basta sabi n'ya inutusan mong ihatid ako. E 'di sumama na ako dahil nalasing na rin ako kagabi. Ang lala kasi ni Ashanti." I tried so hard to act and speak naturally.

Halata kay Kuya Trevor na may alam siya. Siya ang sumalubong sa akin kagabi! At saka pakiramdam ko may mga conclusions siya sa isip niya.

Hirap talaga kapag puro lalaki ang mga kapatid!

"Malakas talaga uminom 'yon si Shanti. Hindi nga alam nila Tito. Eh paano pinagtatakpan ni Tiago. Gago rin 'yon, eh."

Tumawa na lang ako sa sinabi ni Kuya para matapos na. Kinuha ni Kuya Trev ang pinagkainan namin pagkatapos ko. Hindi pa umaalis sina Kuya sa table kaya 'di rin ako umalis.

"Pupunta si Rejo mamaya. Papaluto ako ng meryenda kay Manang. Anong gusto mo para 'yon na lang ang ipaluto ko?" baling sa akin ni Kuya.

Mabagal na tumaas ang dalawang kilay ko habang kumakain ng chocolates. I swallowed slowly. I feel tensed. Pakiramdam ko hinuhuli ako ni Kuya kahit halatang hindi naman!

"Uh... kahit ano. Fries? Cordon bleu? Yung finger food size lang?" Suhestiyon ko at saka tumayo na.

Hindi pa ako nakaligo! Mamaya bigla na namang dumating 'yon. I don't even know how I will react in front of him. I remember everything that had happened between us last night. 'Yong halikan? Nakarehistro sa utak ko at hindi maalis-alis. 'Tsaka wala rin naman akong planong burahin.

Guarded Soul (The Brats #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon