Chapter 13

1.4K 65 73
                                    


Chapter 13

Jealous



"Whoopsie!" Hinead to toe ako ni Ashanti paglabas ko ng bahay. Sa kan'ya ako sasabay dahil pinapayagan na siyang mag-drive mag-isa. Hindi na kasi ako nahintay ni Kuya Mooze.

I turned sassily while laughing softly. I wore a spaghetti strap black dress ending a few inches before my knee. May open cut sa bandang tiyan ko, pero hindi naman malaki. Just enough to be noticed. Nag black heeled boots lang din ako. We're not going to swim.

"What's the catch? Para ba kay Rejo 'yang getup mo?" she asked and entered her car.

Naka-tube dress naman si Ashanti. Kulay pula. Hapit na hapit sa kan'yang katawan. Sa akin, hapit sa itaas, flowy sa ibaba. Bagay naman 'to sa pool party. At saka sabi ni Kuya open ang buong bahay nila para sa party. I can hangout inside with my schoolmates or cousins.

Para ba kay Rejo? Siguro? I'll really party tonight. Pinayagan ako, eh. Saka... gusto kong palabasin ang gano'ng reaksyon ni Rejo. Nung sabay kaming naglakad pabalik sa gym.

Magiging busy naman si Kuya sa party kaya magkakaroon naman siguro ako ng oras para mag enjoy rin.

Pagdating namin sa bahay nina Joshua Tan, hindi na ako nagulat sa ganda ng bahay nila. Mas malaki kasi ang bahay namin.

Their house is modern and huge. Katabi rin nito ang naglalakihan pang mga bahay. This subdivision is high end that's why Daddy allowed me to attend. Strict ang security dito.

Nag-park kami malapit sa bahay nila. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Kuya at Rejo na magkatabi. Umirap ako. Hindi sila mapaghiwalay!

Inayos ko nang kaonti ang curled kong buhok. Medyo na conscious ako nang pumasok na kami sa gate. May mga nakasabay naman kami.

"Parang naghanda ka para kay Joshua Tan. Baka isipin nila may something kayo," sabi ni Ashanti habang hinuhusgahan ang damit ko.

Wow, kanina parang amazed na amazed lang siya!

Pero pareho naman kami ng naisip. Kanina sa bahay, naisip ko 'yon. Pero ano ba dapat kong suotin? Pambahay? Hindi naman ako papayag na mukha akong average sa party.

Pagpasok namin nang tuluyan, marami ng tao. Seven PM na kasi, at alas sais ang call time. Nang makita na nag-ayos din naman ang mga ibang bisita, gumaan ang pakiramdam ko.

I don't want Joshua Tan to assume that I dressed up for him. Nandito ako para inisin si Rejo. I'll try my luck to push his button. Uubusin ko ang pasensya niya. He likes me.

"Daming Chinese," Ashanti exclaimed while she was greeting everyone she knows.

Ngumingiti lang ako sa paligid. I'm not a social butterfly like her.

"What did you expect, eh Tan ang apelyido ng celebrant..." bulalas ko at nakita na si Joshua Tan na papunta sa amin.

He's wearing a pair of shorts, short-sleeved polo, a few buttons were open. Sa hitsura n'ya, halatang maliligo 'to sa pool.

And I saw Rejo. Kasama sina Kuya sa dulo ng pool kung saan may mahabang lamesa roon. Beer Pong. Nagkatinginan kami pero nag-iwas na ako ng tingin dahil nasa harap na si Joshua Tan.

He hugged me slightly and kisses me on the cheek. Some of his friends who were around us made a big deal about it. It's just a friendly kiss! Just to... acknowledge our presence, I guess?

"So happy to see you here. You're so pretty," he said in a low tone so people won't hear it and fabricate issues about it.

I smiled genuinely. "Happy birthday," sabi ko at abot ang isang maliit na paper bag na kanina ko pa hawak. Nawala nga sa isip ko. Buti hindi ko naiwan sa sasakyan.

Guarded Soul (The Brats #2)Where stories live. Discover now