Epilogue

1.2K 23 0
                                    

Epilogue

Six months later...

IBINABA ni Amber ang hawak na tasa na naglalaman ng kape bago napaangat ng tingin kay Stacy.

“Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko. Kung tutuusin ay maikling panahon pa lang ang nakalilipas magmula ng umalis ako sa university noon. Pero sunod-sunod agad ang mga lumabas na rebelasyon maging ang mga hindi magagandang pangyayari.” Napailing ito.

Tipid namang ngumiti si Stacy bago napatingin sa labas ng bintana at malayang pinagmasdan ang mga sasakyan na kasalukuyang nakahinto nang dahil sa traffic.

“Kahit po ako ay hindi ko inasahan ang mga nangyari. Pakiramdam ko nga po ay nananaginip pa rin ako, Ma’am Flores.”

Amber’s forehead creased. “Stop calling me like that. I’m not your professor anymore. Besides, you graduated already with flying colors a few months ago. That’s why I want you to call me Amber from now on. Am I clear?”

Sa pagkakataong ‘yon ay binalingan niya ang dating propesor. “Pasensya na. Hindi pa rin kasi ako sanay,” nahihiya niyang turan dito.

Magmula kasi ng malaman nito ang tungkol sa kanila ni Russell ay naging mas malapit na silang dalawa. Madalas siya nitong yayain na kumain sa labas bago mangungulit kung mayroon na bang progreso ang relasyon nila ng binata.

Amber rolled her eyes. “You’ll become part of our family soon, so you need to get used to it already. That’s why I want you to treat me as your sister as well.”

Napamaang si Stacy nang dahil sa sinabi nito. “What do you mean?”

Ni hindi pa nga sila magkasintahan ni Russell, eh. Kaya paanong magiging parte na siya agad ng pamilya ng mga ito?

Halos masamid naman si Amber na muling umiinom ng kape bago bumaba ang tingin nito sa suot na relong pambisig.

“As much as I want to have a longer conversation with you, I need to go back to the clinic already. But I hope that we can still catch up with some other things next time?” Amber smiled at her as she reached for her hand that was resting on top of the table.

Napatango naman siya. “Of course. I would love to.”

Pagkalabas nila sa coffee shop kung saan madalas silang tumambay ay tuluyan na silang nagpaalam sa bawat isa at naghiwalay ng landas. Pero habang naglalakad si Stacy patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya ay hindi niya pa rin maiwasan na mapaisip sa kung ano ba ang ibig sabihin ni Amber kanina.

But she also can’t help but wonder about what’s the real score between her and Russell already.

“BASTA wag n’yong kalimutan ang mga sinabi ko, hah. Maghuhulog lang naman kayo ng petals. Madali lang naman ‘yon. Baka hindi n’yo pa magawa sa tamang oras,” paalala ni Russell sa mga kaibigan na sina Rhyz, Ashter at Rylie.

Aside from owning his own airline company, Rylie Martin is also a licensed pilot. Kaya naman ay rito niya ipinagkatiwala ang pagpapalipad ng helicopter.

“Sigurado ka na ba talaga sa plano mo, man? Hindi ba ang sabi ng pinsan mo na si Amber ay nadulas siya tungkol sa plano mo noong huli silang nagkita ni Stacy? Baka nakatunog na ‘yon.” Napakamot na lang sa batok si Rhyz.

Malalim naman siyang napabuntonghininga. “I don’t think so. Wala namang kakaiba sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw at wala rin naman siyang nabanggit o natanong.”

“Fine! I can’t believe that this time will actually come. Estudyante mo pa pala ang bibihag sa pihikan mong puso.” Napasimangot si Ashter.

Tinapik niya ito sa balikat. “Wag kayong mag-alala. Darating din ang panahon n’yo.” Makahulugan niyang tiningnan ang mga ito. “Baka nga dumating na, eh. Nagbubulag-bulagan lang kayo.”

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant