Chapter 6

1.4K 29 0
                                    

Chapter 6

MARIING ipinagdikit ni Stacy ang mga labi habang binabaybay niya ang hallway patungo sa kanilang classroom. Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng ilang nang dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng mga estudyante at kahit ng mga propesor sa paligid. Bakas doon ang magkahalong panghuhusga at pangungutya.

Pagkagising niya kaninang umaga ay agad na tiningnan niya ang group page ng university. Katulad ng ipinangako ni Russell sa kanya ay burado na roon ang post tungkol sa kanilang dalawa. Sinubukan niya rin itong hanapin sa iba’t ibang social media accounts pero wala na siyang nakita ni isang bakas nito.

That made her sigh in relief. Ngunit kahit burado na ang mga ito ay hindi na niya magagawa pang burahin ang tingin sa kanya ng ibang tao.

Pagkarating niya sa classroom nila ay biglang natahimik ang kanina ay maingay niyang mga kaklase. Bigla tuloy siyang nagdalawang isip kung dapat pa ba siyang tumuloy o umuwi na lang.

Pero nabuhayan siya ng loob nang makita sina Sarah at Lauren na naglalakad palapit sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.

“Hey, are you alright? Bigla ka na lang kasi tumakbo paalis kahapon at hindi na pumasok sa sumunod nating subject. We’re so worried.” Marahang hinaplos ni Sarah ang buhok niya.

“Yeah. Akala tuloy namin ay kung ano na ang nangyari sa ‘yo. Dapat ay sinama mo na lang pala kami noong umalis ka. Ang boring ng propesor sa second subject natin kahapon.” Napahawak naman sa braso niya si Lauren.

Somehow, the two of them lightened her mood. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos akalain na magiging kaibigan niya ang dalawa. After all, they’re one of the popular girls in the university. Halos hindi mabilang ang mga lalaki na naghahabol sa dalawa malaanan lang nila ang mga ito ng atensyon.

“I’m sorry about that. I just wanted to be alone yesterday. But I’m fine now,” she assured them.

“You should be. Don’t let what the other people say affect you. Besides, when we check the group page, the post is no longer there. Kahit ang mga shared post na may kinalaman doon ay mabilis na naagapan. I don’t know who did such a thing, but it’s a good thing, right?” Sarah smiled at her.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. She should not forget to thank Russell later for all of his help.

Naglakad na sila patungo sa pinakalikod nang bigla silang harangan ng kaklase nilang si Ava.

“I don’t know how the three of you became so suddenly close.” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa mga kasama niya. “But Sarah and Lauren, you should stay away with that girl. Baka mamaya ay masira rin ang reputasyon n’yong dalawa nang dahil lang sa babaeng ‘yan,” maarteng wika nito.

Humalukipkip naman si Sarah. “I don’t think it should be your problem anymore in case it happens. So, back off.”

Mahina namang sinuway ni Stacy si Sarah. Hangga’t maaari kasi ay ayaw niya ng gulo.

Napakuyom naman ng kamao si Ava at nagmamartsa silang nilampasan.

“Serves her right. Palibhasa kasi ay matagal na rin niyang gustong kumapit sa ‘min ni Sarah para maging popular din siya.” Lauren chuckled.

Napatango na lang si Stacy. Sa totoo lang, bukod sa mga lalaki na nagkakandarapa sa dalawa ay marami ring kababaihan na gusto silang maging kaibigan.

Hindi nagtagal ay dumating na ang propesor para sa unang subject nila sa araw na ‘yon.

But Stacy’s mind is wandering off somewhere. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya kung sino ba ang nagpakalat ng eskandalo na kinasangkutan niya.

Pero lihim din siyang nagpapasalamat na kahit papaano ay hindi kita ang mukha ni Russell doon. Panigurado kasi na malilintikan sila pareho kahit pa nangyari ang insidente bago niya ito naging propesor.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Where stories live. Discover now