Chapter 2

1.7K 46 4
                                    

Chapter 2

NAKATUNGANGA lang si Stacy sa harap habang nagkaklase ang bagong propesor nila. Naririnig naman niya ang mga sinasabi nito pero tila ayaw itong tanggapin at intindihin ng kanyang utak.

Bukod roon ay hindi niya maiwasan na mapansin ang muscle nito na nagpi-flex sa tuwing nagsusulat ito sa whiteboard. Napapatitig din siya sa mamula-mula nitong mga labi at maging sa mahahaba nitong pilik mata sa tuwing nakaharap at nagpapaliwanag ito sa kanila.

She blew a loud breath out of frustration. Kanina pa rin siya tahimik na nananalangin na sana ay hindi siya nakilala nito.

“Miss Salvacion.”

Napakurap siya at gulat na napatayo nang bigla na lang siya nitong tawagin.

“What is the difference between basic and applied research?”

Kumibot ang kanyang mga labi. Kung hindi siya nagkakamali ay kababanggit lang nito ng tungkol doon.

Pero dahil kung saan-saan lumilipad ang kanyang isip ay hindi niya ito naintindihan.

Bumilis ang kanyang paghinga nang mapansin na nakatingin din sa kanya ang halos lahat ng mga kaklase niya habang naghihintay ng sagot.

“Well?” untag muli ng propesor sa kanya.

Gusto niyang tuktukan ang sarili. Hindi niya kasi mahagilap sa isip ang sagot sa tanong nito o kahit ang magawang magpaliwanag man lang base sa sarili niyang pagkakaintindi rito.

Napailing ito sa kanya. Bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Tila may kung anong kinukubli ang kulay tsokolate nitong mga mata habang matiim na nakatitig sa kanya.

“Late ka na nga sa klase. Pagkatapos ay hindi ka pa nakikinig.” Sinenyasan siya nito na maupo.

“Pumunta ka sa opisina ko mamaya. Mag-uusap tayo.”

Napaawang ang bibig niya nang dahil sa sinabi nito at tila dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya dala ng kaba.

Ano naman ang dapat nilang pag-usapan mamaya?

Nang dahil sa sinabi nito ay tuluyan ng nawala sa klase ang atensyon niya. Parang gusto na lang niyang hilahin ang oras at umuwi na lang.

“That’s all for today. See you again on Friday,” pagtatapos ng propesor nila sa diskusyon para sa araw na ‘yon bago muling itinuon sa kanya ang atensyon.

“Follow me.”

Napalunok si Stacy bago inayos ang mga gamit niya at tumayo. Papalabas na sana siya sa pinto nang bigla siyang harangan nina Sarah at Lauren.

“Bakit ka ba kasi late at hindi nakikinig sa klase? Napag-initan ka tuloy ni Sir,” sermon ni Sarah sa kanya bago nito inabot ang isang kulay itim na purse.

“Naiwan mo pala sa puwesto natin kagabi. Halik lang naman kasi ang dare namin sa ‘yo. Pero bigla na lang kayong tumuloy na dalawa sa VIP room,” naiiling na sambit naman ni Lauren.

“Kinatok din namin kayo noong pauwi na kami pero wala namang sumasagot. We need details later.” Sarah winked at her.

Napangiwi siya sa dalawa. Hindi niya ata kakayanin na ikuwento sa mga ito ang kahihiyan na ginawa niya.

“Sige na. Pumunta ka na sa opisina ni Sir Martinez. Wag mong paiinitin ang ulo niya. Ako lang ang puwedeng gumawa no’n,” wika ni Sarah.

“Ang lakas talaga ng tama mo kay Sir, girl! As if papatulan ka naman niya,” pang-aasar ni Lauren sa kaibigan.

Natigilan naman si Stacy at hindi makapaniwalang nilingon si Sarah. “Why? May gusto ka ba kay Sir Martinez?”

Napangisi naman ito. “Sino naman ang hindi magkakagusto sa kanya? He’s a hot and good-looking young man. Pagkapasok pa lang niya kanina sa klase ay parang nalaglag na ang panty ko pagkakita ko pa lang sa kanya. Noong ngumiti naman siya ay nahulog na rin ata pati ang puso ko,” madramang sagot nito.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon