Chapter 8

1.4K 34 4
                                    

Chapter 8

DALAWANG linggo na rin ang nakalilipas magmula noong pumutok ang eskandalo na kinasangkutan ni Stacy. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag dahil tila nakalimutan na agad ito ng lahat. Bukod roon ay hindi na ito nakarating pa sa mga magulang niya na kasalukuyan pa ring nasa ibang bansa.

Ang kaso lang ay may isang parte pa rin niya ang hindi matahimik. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang ideya sa kung sino ang may kagagawan nito at ayaw namang magsalita ni Russell sa kung ano ang nalalaman nito. Pero kahit ganoon ay malaki ang pasasalamat niya sa binata dahil nagawa agad nitong makontrol ang pagkalat ng mga larawan at video nila.

Malalim siyang nagpakawala ng hininga bago tuluyang tinapos ang activity nila sa isang subject na kailangan ipasa sa Lunes para wala na siyang iintindihin pa sa darating na weekend. Sarah and Lauren are not with her since the two are busy preparing for the volleyball game at their upcoming university intramurals next week.

Napangiti na lang si Stacy nang matapos at sinara na ang hiniram na libro. Napalinga siya sa paligid at ngayon lang niya napansin na siya lang pala ang nandoon sa library ngayon.

Everyone seems so busy at the upcoming event, but she couldn’t care less. Kung hindi nga lang maaapektuhan ang grades niya para sa extra curricular activities ay hindi naman niya gugustuhin na dumalo sa event next week. Mas pipiliin pa niya ang humilata sa kama at matulog na lang magdamag.

But she’s a summa cum laude candidate. That’s why she couldn’t afford to have her grades affected. Sa totoo lang ay silang dalawa ni Sarah ang naglalaban sa titulo na ‘yon sa college department nila. Pero masaya siya dahil kahit papaano ay wala namang namumuo na kompetisyon sa pagitan nilang dalawa. They’re just both giving their best shot.

Tumayo na siya at binalik ang libro sa pinagkuhaan niya nito bago tuluyang nagpaalam sa librarian at lumabas. Wala silang klase ngayong araw at iniwanan lamang ng activitiy para makapaghanda ang lahat sa darating na event.

Stacy is not really fond of sports. Pero dahil tinatamad pa siyang umuwi ay napagdesisyunan niya na panoorin na lang muna ang practice ng mga kaibigan sa gymnasium.

Mayroon ng mangilan-ngilan na estudyante ang nanonood pagkarating niya roon. Pinili naman niyang umupo sa pinakaharap para mapanood ang practice ng dalawang grupo ng mas malapitan.

Habang naghihintay na muling mag-umpisa ay sakto namang napadako ang tingin sa kanya nina Sarah at Lauren. Nginitian niya ang dalawa bago kumaway.

They did the same. Pero napakunot noo na lang siya nang magtinginan ang dalawa at magtanguan.

Ipinagkibit balikat na lang niya ‘yon at umayos na ng upo. Base na rin sa mga numero na nakapaskil sa score board ay masasabi niyang lamang ang mga senior college students laban sa mga junior college students para sa practice game nila ngayon.

Stacy can’t help but feel amazed at how her friends manage to earn a score on their team without even exerting too much effort. If she’s not mistaken, Lauren is the opposite hitter, while Sarah is the outside hitter on their team.

Seryoso lang siyang nanonood nang bigla siyang matigilan nang dahil sa lakas ng pagkakatama ni Sarah sa bola. The next thing she knew was that the ball was already coming her way.

Ngunit bago pa man siya tuluyang nakaiwas ay nahagip na nito ang kanyang ulo dahilan para bigla siyang bumagsak sa sahig at magdilim ang kanyang paningin.

KASALUKUYANG naglalakad si Russell patungo sa open field nang mapadaan siya sa gymnasium at napansin na tila nagkakagulo ang mga estudyante roon. Out of curiosity, he walked inside to know what was happening.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Where stories live. Discover now