Chapter 4

1.6K 35 1
                                    

Chapter 4

NAPAKUNOT noo si Russell pagkapasok niya sa opisina ng kanyang pinsan na si Amber nang mapansin na nakatulala ito sa kawalan. Kaya naman sa kanyang pag-upo sa upuan na nasa tapat ng mesa nito ay napapitik siya upang makuha ang atensyon nito.

Napakurap naman ito at gulat na napaangat ng tingin sa kanya. “Oh. Nandiyan ka pala. What brings you here?”

Napailing siya at napasandal sa kinauupuan habang pilit na ikinukubli ang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. “Wala naman. Naisipan ko lang bisitahin ang pinakamamahal kong pinsan dahil baka nami-miss na niya ako. Pero sakto lang din ata ang pagpunta ko dahil mukhang may problema ka ngayon. What’s the matter?”

Napatikhim si Amber bago sinimulang basahin ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng kanyang mesa. “Nothing. I just saw someone familiar earlier.”

Napataas ng kilay si Russell. Somehow, his cousin’s dilemma caught his interest.

“Where?”

Malalim itong napabuntonghininga. “On the news.”

Now, that made him more curious. “Oh. What happened? Is he famous or something?”

Amber bit her lower lip. “He’s been arrested.”

Napatango-tango si Russell. Kahit hindi direktang sabihin ng kanyang pinsan ay may ideya na siya sa kung sino ang tinutukoy nito. Lalo pa at nabasa rin niya ang tungkol dito kanina habang nagba-browse siya sa social media accounts niya. “He must be someone important to you.”

Sa pagkakataong ‘yon ay mariin itong napatitig sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. “How did you say so?”

He shrugged. “Well, it’s because you obviously look affected and worried at the same time. Your face expression alone says it all.”

Akmang aalma pa ito pero mabilis na itinaas niya ang kanang kamay upang pigilan ito.

“Wag mo ng subukan pa na magdahilan sa ‘kin, pinsan. Baka nakakalimutan mo. We both have the same degree.” He smirked.

Kinagat ni Amber ang ibabang labi at hindi na nagkomento pa. May punto naman kasi ang pinsan nito.

Tumayo na si Russell. “Lunch tayo. My treat. Hindi ‘yong nakakulong ka rito sa clinic mo maghapon.”

Nagdududa naman siya nitong tiningnan. “Wala ka bang klase ngayon?”

He shook his head. “Fortunately for you, I don’t have a schedule for today. So, consider it your lucky day.”

Amber sighed in defeat. “Fine. Gutom na rin naman ako at minsan ka lang naman manlibre. So, I’ll grab the opportunity.” Inayos na nito ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng mesa bago nito kinuha ang kulay puti na coat na nakasabit sa swivel chair nito at tumayo.

Bahagya namang itinaas ni Russell ang kanyang braso upang doon kumapit ang pinsan. “Great! Let’s go!”

Nagbilin lamang ang pinsan niya sa assistant nito bago sila tuluyang lumabas. Russell offered to use his car instead.

Napagpasyahan nila na kumain sa restaurant na malapit lang sa clinic nito upang makabalik din agad si Amber. It’s been a while since the two of them bonded together. Kaya naman ay naisipan niyang ilabas ang pinsan ngayon.

Kahit pa ang totoo ay mayroon pa siyang isang rason. Ito ay upang makalimutan ang tungkol kay Stacy kahit sandali lang dahil ilang araw na nitong ginugulo ang kanyang isip.

“So, how’s my previous students? Nasisiguro ko na hindi ka nila binigyan ng sakit ng ulo,” tanong ni Amber nang magsimula na silang kumain.

Napainom muna siya ng iced tea bago sumagot. “They’re fine. Most of them were quiet and serious once the class started.”

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon