Chapter 20

1K 19 3
                                    

Chapter 20

HALOS paliparin ni Russell ang sinasakyan patungo sa kinaroroonan ni Stacy nang dahil sa magkahalong takot at kaba na nararamdaman niya ngayon. Mabuti na lang at mabilis nilang nalaman ang lokasyon ng dalaga nang dahil na rin sa tulong ni Rhyz. Papunta na rin sa naturang lugar ang magkapatid na Lewis. Pero dahil mas malapit ang dalawa ay nasisiguro niya na mas mauuna ang mga ito.

“Please, let her be fine! Please!” mahina niyang dasal habang walang habas na nilalampasan ang mga nadaraanan niyang sasakyan. Ni hindi na niya pinansin pa ang sunod-sunod na pagbusina ng mga ito sa kanya.

Nang sa wakas ay makarating siya sa naturang lokasyon ay dali-dali siyang bumaba sa sasakyan at agad na nilapitan sina Rhyz at Ashter na mayroong kausap na mga pulis. Doon lang din niya napansin ang mga nagkalat na pulis sa paligid at maging ang ambulansya mismo ng hospital nila na nakatigil sa isang tabi.

“Where’s Stacy?” natataranta niyang tanong sa mga kaibigan bago tumuon ang atensyon niya sa pamilyar na kotse ng dalaga na nakabunggo sa poste. Wasak na wasak ang harapan nito at basag ang halos lahat ng salamin. “No... No!” Tila nababaliw siyang napasabunot sa kanyang buhok.

“Don’t worry, man. She’s okay now.” Itinuro ni Rhyz ang direksyon ng ambulansya.

Balewala naman niyang hinagis ang susi ng kotse niya kay Rhyz. “Take my car. Siguraduhin n’yong mahahanap n’yo kung sino man ang gumawa nito sa kanya!” aniya habang nagtatagis ang bagang.

Ashter tapped his shoulder. “Kami na ang bahala, man. Hawak na rin namin ang kopya ng CCTV na malapit sa lugar na ‘to. We will review the footage for further investigation,” his friend assured him.

“Go ahead. She needs you now,” pagtataboy naman sa kanya ni Rhyz.

Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa ambulansya at pumasok sa loob nito. Hinayaan naman siya ng paramedic na nandoon nang makilala siya nito bago tuluyang umandar paalis ang sasakyan.

Ngunit halos gumuho ang mundo niya nang makita ang babaeng pinakamamahal na puro sugat at dugo ang buong katawan, partikular na ang mukha nito habang nakahiga sa stretcher at walang malay.

Sa pambihirang pagkakataon na ‘yon ay hindi na niya napigilan pa ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata habang dahan-dahan siyang napaluhod sa tabi ni Stacy. Maingat naman niyang inabot ang kamay nito at dinala ‘yon sa kanyang mukha upang damhin ito.

“Gumising ka na, sweetheart. Wag mo naman akong takutin ng ganito. J-Just open your eyes, and I’ll be f-fine.” His voice cracked.

“Please come back to me. Please don’t leave me,” pagmamakaawa niya pa sa dalaga bago napatungo dahilan para hindi niya mapansin ang nalaglag na luha mula sa mata nito.

KANINA pa nakatulala si Russell sa pinto ng OR kung saan ipinasok si Stacy tatlong oras na ang nakararaan. Pagdating pa lang nila sa hospital kanina ay nakaantabay na ang kanyang mga magulang sa labas at maging ang isa sa mga kaibigan niyang doktor na siyang nag-oopera kay Stacy ngayon.

“Wag ka mag-alala, anak. Stacy will be fine. She’s in good hands,” wika ng tatay niya bago marahang tinapik ang kanyang balikat.

Napatango naman siya. His good friend, Dr. Monasterio, is one of the good doctors in the country. Nagkaroon na rin ito ng parangal sa ibang bansa nang magtrabaho ito roon bago umuwi ng Pilipinas at magtrabaho naman sa hospital nila.

“I know. I just can’t wait for the operation to be finished.” Napahilamos siya sa kanyang mukha.

“Kung sino man ang may kagagawan nito sa anak namin ay sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan,” naiiyak naman na aniya ng ina ni Stacy bago ito mahigpit na niyakap ng asawa.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα