Chapter 18

1K 22 0
                                    

Chapter 18

ILANG buwan na rin ang nakalilipas magmula ng makilala nina Russell at Stacy ang mga magulang ng bawat isa. Sa ngayon ay masasabi ni Russell na maayos naman ang takbo ng mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa kahit wala pa silang opisyal na relasyon. Bukod roon ay wala pa ring nakakaalam na kahit sino mula sa university ng tungkol sa kanilang dalawa.

Madalas naman na iniimbitahan ng mga magulang niya si Stacy sa mansyon nila na masaya namang pinapaunlakan ng dalaga. Kung minsan naman ay silang dalawa ang dumadalaw sa mga magulang nito. Ilang beses din na kinumbinsi ng mag-asawang Salvacion na bumalik na ang anak nila sa mansyon. Ang kaso lang ay desidido na talaga si Stacy na mamuhay mag-isa.

Kahit papaano ay wala na rin namang ginawa pa si Sarah laban kay Stacy na lihim din na ipinagpapasalamat ni Russell. Sana nga lang talaga ay wala na itong gawin pa na maglalagay kay Stacy sa alanganing sitwasyon. Pero kung sakali man na mayroon itong pinaplano ay hindi siya magdadalawang isip na itaya ang propesyon niya para lang masiguro na walang masama na mangyayari kay Stacy. He is going to protect her at all costs.

“Where are we going this time? Siguro naman ay sasagot ka na. I’ve been tired of you being so secretive at some things most of the time.” Tila bata na nagmamaktol ang dalaga sa tabi niya.

Russell chuckled as he focused his attention on the road. “Sa hospital.”

Ramdam niya ang marahas na pagbaling nito sa kanya. “Sa hospital n’yo? Anong gagawin natin doon? May nangyari bang masama?” Mahihimigan ng magkahalong takot at pag-aalala ang boses ni Stacy.

Napakunot noo naman si Russell. “Kapag sa hospital ang punta may nangyari agad na masama?”

Stacy rolled her eyes at him. “Ano nga kasi ang gagawin natin doon? Don’t tell me that we will be having our date at the hospital,” she said in disbelief.

Hindi na napigilan pa ni Russell ang mapangiti nang dahil sa inaasta ng dalaga. “Basta. Chill ka lang diyan. It’s no longer a surprise if I tell you more.”

Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay tumigil na ito sa pangungulit sa kanya. Ngunit hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

Pagkarating sa hospital ay ginarahe muna niya nang maayos ang sasakyan bago sila bumaba. Bahagya namang umawang ang bibig ng dalaga nang tingalain nito ang matayog na gusali sa harap nila.

“Let’s go. Paniguradong nagugutom ka na,” anyaya niya kay Stacy at nagsimula na silang maglakad papasok sa loob.

“Seriously? Dito talaga tayo magdi-dinner?” Nanlaki ang mga mata nito.

He shrugged. “Is that a bad idea?”

Stacy bit her lower lip making him gulp. Alam niyang hindi naman intensyon ng dalaga pero hindi niya maiwasan na maakit sa tuwing kinakagat nito ang labi. If he will not be able to control himself, he might take her right there now.

Russell mentally cursed as he felt his friend down there making a salute. Kung puwede nga lang niya itong pagsabihan na kumalma muna ito ay ginawa na niya. But he will look insane if he does so.

“Not really. I just find it weird.” Nagdududa siyang tiningnan ng dalaga.

Katulad ng sinabi ng mga magulang nila ay ini-enjoy lang muna nila ang oras nilang dalawa na magkasama at hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pagkilala sa bawat isa. Hangga’t maaari ay ayaw naman niyang isipin ni Stacy na baka napipilitan lang siya sa ginagawa para panagutan ang nangyari sa kanila noong gabing ‘yon.

Natigilan lang sila sa pag-uusap nang sunod-sunod silang batiin ng bawat doctor at iba pang staff ng hospital na nakakasalubong nila. Hindi man magtanong ang mga ito ay bakas naman sa kanilang mga mukha ang kuryosidad sa kung sino ba ang babae na kasama niya. Ang iba nga ay napansin pa niya na nagbubulungan.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Where stories live. Discover now