Chapter 9

1.1K 28 2
                                    

Chapter 9

NAPATAKIP na lang sa magkabilang tainga si Stacy nang dahil sa lakas ng sigawan ng mga nanonood ng football match sa open field. Kaya naman ay dali-dali na siyang naglakad patungo sa building ng psychology department upang ipasa ang kanilang activity para sa subject na Ethics in Psychology. Pagkarating sa naturang building ay dumiretso siya sa opisina ng professor nila na si Mr. Gatchalian bago kumatok sa pinto.

“Pasok,” rinig niyang sambit nito mula sa loob.

Agad naman niyang pinihit ang seradura pabukas at dahan-dahang pumasok sa loob. “Magpapasa lang po sana ako ng activity,” imporma niya dahil nakatuon ang atensyon ng propesor sa harap ng laptop.

Napaangat naman ito ng tingin sa kanya. “Alright. Just put it here.” Turo nito sa kumpulan ng mga papel na nasa tabi lang ng laptop nito.

Agad naman siyang tumalima bago mabilis na nagpaalam na rito.

Pagkalabas ng opisina ay kinuha niya ang phone mula sa bulsa at sinimulang tawagan ang mga kaibigan. But they couldn’t be reached. Kaya naman ay nag-chat na lamang siya sa dalawa at tinanong kung nasaan ang mga ito ngayon.

Sunod na pinuntahan naman niya ang Student Council Office para mag-attendance. Ito lang naman ang mahalaga sa tuwing may mga ganoong klase ng event para magkaroon sila ng grado sa extracurricular activities.

Dahil bukas pa naman ang laban ng mga kaibigan ay naisipan na lang muna niyang manood ng basketball game.

“Go Silver Hawks!” sigaw ng karamihan pagkapasok niya sa stadium kung saan ginaganap ang naturang laro. If she’s not mistaken, it’s the name of the senior college basketball team.

“Go fight, Phoenix Ballers!” kontrang sigaw naman ng kalaban na koponan.

Patapos na ang second quarter nang makarating siya sa stadium. Wala na siyang makita na bakanteng upuan nang dahil na rin sa dami ng mga tao. Sa lahat kasi ng mga laro ay ito talaga ang palaging dinadagsa.

Ngunit kahit ganoon ay pilit pa rin siyang nakisiksik para makarating sa unahan. Minsan lang naman siya manonood kaya hangga’t maaari ay gusto niyang mapanood ang laban nang mas malapitan.

Malapit na sana siya sa pinakababa nang manlaki ang kanyang mga mata nang bigla na lang siyang natapilok o mas mabuting sabihin nang may biglang pumatid sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse.

Akala niya ay muli siyang pupulutin sa malamig na sahig sa pangalawang pagkakataon. Pero nahigit na lang niya ang hininga nang may isang pares ng matitipuno na bisig ang biglang sumalo sa kanya.

Hindi na niya kailangan pang mag-angat ng tingin para alamin kung sino ito. Sapat na ang amoy ng pabango nito na pamilyar na sa sistema niya.

“You should be more careful and aware of your surroundings next time. Dahil mayroong mga tao na gustong-gusto ka na pabagsakin,” bulong nito na halos magdulot ng kiliti sa kanyang batok nang dahil sa init ng hininga nito na tumama roon.

Dahan-dahan siya nitong inalalayan para makatayo ng maayos bago nag-angat ng tingin. Ang nakangiting mukha ni Russell ang bumungad sa kanya.

Her heart thumped faster than usual. Sa pagkakahinang ng kanilang mga mata ay tila ba unti-unting bumagal ang takbo ng paligid.

Amidst the crowd, Russell seems to stand out in her eyes among them all. Walang sinabi ang karisma ng mga basketball player na halos maputol na lang ang litid ng mga kababaihan at nagpapakababae nang dahil sa kakatili para sa mga ito.

“Dito ka na umupo, Miss Salvacion. Hindi kasi nakarating ang isang professor na kasama dapat namin.”

Napakurap naman si Stacy at binalingan ang isa pa nilang professor na si Mr. Millena. He’s their professor for the Life and Works of Rizal subject.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon