Chapter 5

1.5K 35 0
                                    

Chapter 5

NAISIPAN ni Russell na dalhin si Stacy sa tabing dagat upang gumaan naman ang pakiramdam nito kahit papaano. Sa ngayon ay tahimik lang silang nakatanaw sa malawak na karagatan habang nakasandal sa hood ng kanyang kotse.

Hanggang sa mapansin niya na napayakap ito sa sarili nang biglang umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin. Kaya naman ay agad na hinubad niya ang suot na jacket at inabot ito sa dalaga.

"Wear it. Baka sipunin ka na lang bigla."

Napailing naman ito. "Hindi naman ako nilala-"

Bago pa ito tuluyang makapagprotesta ay siya na mismo ang nagsuot ng jacket dito. Hindi naman ito umimik pa at napailing na lang sa kanya.

"Wala ka bang ideya sa kung sino ang may gawa ng bagay na 'yon?" tanong niya sa dalaga upang magbukas ng usapan. Kanina pa kasi siya tila nabibingi nang dahil sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.

Malalim itong napahugot ng hininga. "I don't really have an idea." Gulat na nilingon siya nito. "How did you know about that?"

"I saw it on the university page a while ago." Ginagap niya ang kamay ng dalaga. "I'm sorry."

Tipid siya nitong nginitian. "You shouldn't be. Ako naman ang unang lumapit sa 'yo kaya wala kang kasalanan."

Napatiim bagang siya. "But I took advantage of your drunken state. If-"

"Ginusto ko rin naman ang nangyari. Isa pa ay hindi naman ikaw ang kumuha at nag-post ng pictures at video natin. So, stop blaming yourself," pagputol nito sa anumang sasabihin niya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. Agad na kinuha niya ito mula sa bulsa at napangiwi na lang siya nang makita ang pangalan ng pinsan niya sa screen.

"Hey," masigla niyang bungad rito. Kahit pa mayroon na siyang ideya sa dahilan ng pagtawag nito sa kanya.

"Don't hey me, Russell Martinez. I don't really mind you leaving me behind. But what the hell is happening?" Amber let out an exasperated sigh from the other line. "Just where the hell are you right now?"

Malalim siyang napabuntonghininga. "You have nothing to worry about. May kailangan lang akong asikasuhin."

Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya kung paanong tila natigilan si Stacy.

"Then, tell me what it's all about? Maybe I can help."

Napatikhim siya at napaayos ng tayo.

"Thank you. But I can really manage."

Saglit naman itong natahimik sa kabilang linya. Russell checked if Amber had already ended the call, but it's still ongoing.

"Confidential ba 'yan kaya hindi mo magawang sabihin sa 'kin?" mahina nitong tanong nang makabawi. Sa pagkakataong ito ay mahihimigan na ang pag-aalala sa boses nito.

Nilingon niya si Stacy na nakatunghay na sa kanya ngayon. "Sorry. It's something personal."

"Oh. That must be really something. Lalo pa at hindi ka naman naglilihim sa 'kin." Amber puffed a breath. "Fine. I won't push the topic anymore. Just be careful, okay?"

Napatango naman siya. "I will."

Nagbigay pa ito ng ilang paalala sa kanya bago nito tuluyang tinapos ang tawag. Pagkabalik niya ng phone sa bulsa ay muli siyang bumaling kay Stacy.

"Sino 'yon?" Napanguso ito. "Saka bakit ka ba bigla-biglang sumulpot kanina? Baka mamaya ay may nakakita pa sa 'tin."

Napangiti siya sa itinuran nito. "You're my student, that's why."

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Where stories live. Discover now