Chapter 7

1.2K 27 0
                                    

Chapter 7

INIHINTO ni Russell ang minamanehong sasakyan sa tapat ng isang abandonadong gusali. Sa kanyang pagbaba ay agad siyang nilapitan ng kaibigan na hiningian niya ng tulong para burahin at mapigilan ang pagkalat ng mga larawan at video nila ni Stacy.

“Long time no see, man. How are you doing?” Rhyz gave him a man hug.

“I’m doing fine. Pasensya na talaga sa abala.” Tinapik naman niya sa balikat ang kaibigan.

Rhyz chuckled. “No worries. Isa pa ay nagkataon din na nakabakasyon ako ngayon kaya hindi rin ako busy. It’s kind of boring, actually, so I’m really glad that you called. Kahit papaano ay naging makabuluhan naman ang araw ko.”

Nagsimula na silang maglakad papasok sa gusali.

“Why? Where are the others?” kunot noo niyang tanong. Kapag wala kasi itong misyon ay madalas na kasama nito ang iba pang mga kaibigan.

Rhyz Lewis is Ashter Lewis’ younger brother and trusted man. But aside from that, he is also a tracking agent. He can enter the government and even the international database if needed without getting caught. But even if he doesn’t do much field work, he sure knows how to fight.

“They’re busy with their love life.” He shrugged.

Napataas siya ng kilay. “And you’re not?” makahulugan niyang tanong.

“I don’t want to talk about it.” Biglang dumilim ang mukha nito.

Napailing na lang siya. Wala namang nakuwento si Ashter sa kanya tungkol sa buhay pag-ibig ni Rhyz kaya naman ay hindi na rin siya nag-usisa pa. Hihintayin na lang niya ang panahon na magyaya itong magpakalasing dahil sawi ito sa pag-ibig.

Ngunit natigilan siya nang may sumalubong sa kanila na isang babae. Halos katangkaran lang nila ito at mayroong balingkinitan na pangangatawan. She’s wearing an all-black suit that perfectly fits her body. Kung titingnan ay para itong si cat woman.

“Who is she?” nagtataka niyang tanong kay Rhyz. Hindi niya kasi alam na mayroon pala itong kasama.

“Man, this is Celeste Cohen. Kasamahan ko siya sa trabaho. More on field work ang mga misyon niya kaya sa kanya na ako humingi ng tulong para madakip ang tao na nasa likod ng scandal mo.” Natawa naman bigla si Rhyz. “Actually, I was supposed to ask for Xander’s help. But he’s out on a mission at the moment.”

Napatango na lang si Russell bago inilahad ang kanang kamay sa kaharap. “I’m Russell Martinez. Thank you for the help.”

Nagkibit balikat lang ang babae. “No big deal. Nakabakasyon lang din ako ngayon katulad ni Rhyz. I agreed to help him because I just want a warm-up for my next mission once I return.”

Napamaang na lang siya nang lampasan sila nito.

“Pagpasensyahan mo na si Celeste, hah. Mukha lang siyang masungit pero mabait ang babaeng ‘yon,” aniya ni Rhyz.

Hindi na siya umimik pa at tahimik lang na sinundan si Rhyz hanggang sa pumasok sila sa isang kuwarto. Tila bigla namang kumulo ang kanyang dugo nang makita ang lalaki na may pakana sa pagpapakalat ng pictures at video nila ni Stacy. Nakaupo ito sa isang upuan na gawa sa kahoy habang nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay at paa. Bakas naman sa iba’t ibang parte ng katawan nito ang mga pasa at tila ba lupaypay na ito mula sa pagkakaupo.

“Too bad, siya ang nagsilbing punching bag ni Celeste. Ni hindi na nga ako nakasingit kanina,” natatawang bulong sa kanya ni Rhyz.

Russell couldn’t help but smirk. That woman is really something.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon