Chapter 10

1.2K 30 3
                                    

Chapter 10

KASALUKUYANG nag-aabang ng taxi si Stacy nang may biglang huminto na kotse sa harap niya. Napataas siya ng kilay nang mapagtanto na pamilyar ang kulay grey na Ford Mustang.

Nakumpirma naman ang hinala niya nang bumaba ang bintana nito sa passenger seat at sumilip mula sa loob si Russell.

“Hop in,” anyaya nito sa kanya.

Walang pag-aalinlangan naman siyang sumakay roon. She’s chewing her gum as she focuses her eyes on the busy road.

Pero natigilan siya nang mapansin na hindi pa rin umaandar ang kotse. Kaya naman ay nagtatakang nilingon niya ang lalaki.

“What?” she asked, confused.

Ngunit dahan-dahan siyang napangisi nang makita ang pagnanasa sa mga mata nito. Russell is boldly looking over her body with his intense stare.

“Kailan ka pa natutong magsuot ng ganyan?” salubong ang kilay na tanong nito bago napaiwas ng tingin at nagsimulang magmaneho.

Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa sarili. “Why? Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko. Isa pa ay halos ganito rin ang suot ko noong gabi na may nangyari sa ‘ting dalawa. What’s the big deal now?”

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo nito. “Kailan ka rin natutong magsalita ng ganyan? I mean, you look like a different person today. Even your thick glasses are gone.”

She crossed her arms. “It’s because I decided to change for the better. Now if you may, just drive. We will be late in class already.”

“I’m your professor for today and on the first subject. Kaya ayos lang na mahuli ka rin,” katwiran naman nito.

Katatapos lang ng intramurals week at isang linggo na rin ang nakalilipas magmula noong aksidente niyang marinig ang tungkol sa naging plano nina Sarah at Lauren laban sa kanya. Sa ngayon ay araw na ng Martes at mayroon ulit silang klase kay Russell.

Stacy can’t help but chuckle. “You really have your own definition of being professional, Mister Professor.”

Tila hindi naman ininda ng lalaki ang sinabi niya. “But seriously, what’s with the sudden change?”

She flipped her hair and looked outside the window. “I just want to get out of my boring life like my original plan. That’s it.”

Russell snorted. “Is that what you learn after becoming friends with those two?”

Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. “Yeah. Somehow, they’re one of the reasons why I became like this.”

“I knew it. But I’ll just keep my mouth shut because I already have an idea of how our argument will end,” nakasimangot na wika ni Russell.

“Basta ako na ang magsusundo at maghahatid sa ‘yo pagkatapos ng klase mo. Understood?” may pinalidad na aniya ng lalaki.

Marahas na nilingon ni Stacy ang propesor. “Why? Is that the reason why you asked for my class schedule last time?”

“Yeah.”

“Pero paano na lang kung may makakita sa ‘tin? Isa pa ay hindi naman tayo pareho ng schedule,” pagpapaalala niya rito.

“Don’t worry. I’ll be cautious, and I have my ways.” He winked at her.

Hindi na siya umimik pa. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang iniisip kung paano ba sila umabot sa ganoong sitwasyon.

Ilang saglit pa ay natanaw na niya ang university. Kaya naman ay nagpababa na siya bago pa sila tuluyang tumigil sa tapat nito upang walang makakita sa kanila.

The Professor's Possession (To Be Published) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon