CHAPTER 70 VACATION 0.01

54 20 162
                                    

VACATION 0.01

JAZ POV:

Busy akong naiimpake ng mga Damit at gamit. Konti lang ang dadalin ko dahil may ibang gamit naman Ako dun sa Bahay ni Daddylo.

Nalaman kong malapit dun sa Bahay ni Daddylo ang magbabakasyonan namin dun sa Korea.

"Tata.."

Napa-tingin ako sa pintuan ng may biglang nagsalita dun. Nakita ko si Wed na may bitbit na papel.

Sinenyasan ko syang tumuloy kaya naupo naman sya sa kama ko. Inabot nya sakin ang papel na hawak nya. Tinignan ko ang papel.. pero Ganon nalang ang pagkama-ang ko ng makitang...

Listahan nilang lahat na magpipinsan na may sari-sariling gustong ipamili sakin para pasalubong sa kanila.

Binalikan ng tingin si Wed na may nakakalokong ngiti. Ngumuso sya at pinagdikit ang dalawang hintuturo nya.

"Pls.. Tata?" Pacute na Sabi nya.

Di pa nga Ako nakaka-alis? Pasalubong agad?

"Oh, sya, sya Sige pag-balik ko." Sabi ko sa kanya.

Tumalon naman sya at nagsisigaw

"MGA ATE'S!, TWINS!, QUADROPLETS!, TRIEE!" sigaw na tawag nya sa lahat ng pinsan nya.

Sunod-sunod namang nagsipasukan ang mga pamangkin ko..

"PUMAYAG NA SI TATA!! MGA INSAN!!" masayang Sabi ni Wed sa mga pinsan nya.

Naghiyawan naman silang lahat nagtatapon. Na akala mo nanalo sa loto.

Nasapo ko nalang ang noo ko sa kulit nila.

"THANK YOU PO, TATA!!" Sabay sabay na Sabi nilang lahat.

Ngumiti naman Ako sa kanila.

"ALWAYS WELCOME, MGA UNGGOY" naka-ngiting Sabi ko sa kanila.

Hindi na sila nagrereklamo sa tuwing tinatawag ko silang UNGGOY dahil alam naman nila Yung pinaniwaan nilang. "Once na may ginawang nickname Sayo Yung tao? Ibig sabihin mahalaga kayo sa taong yon" Kaya alam nilang mahalaga at mahal ko sila.

Sa mga pamangkin ko 6 ang mga babae at 5 naman ang mga lalaki.. sa kanilang lahat... Lahat sila maingay at maligalig. At walang lumaking maldita at masungit. Bakit kaya walang masungit or maldita sa mga anak nila Kuya Ven at Ate Tine?? Eh ang sungit-sungit nga ng mga yon?!.. kala mo pinaghili sa sama ng loob! Buti nalang talaga Hindi sa kanila nagmana ang mga anak nila kundi sa mga Asawa nila.

Tumambay Muna mga unggoy sa kwarto ko at nilaro ang mga gamit na pwede nilang laruin sa kwarto. Tulad nila Triee, May, at March na nanonood sa Loptop ko at Sina Rana, Mon, Tue, Juan at Thou na naglalaro ng UNO at sila June, July, Wed na naglalaro ng PS4.

Ako naman ay tinuloy ko ang ginagawa kong pagiimpake. Kumuha rin Ako ng ibang snacks sa pantry room para may kakainin Ako sa byahe, kumuha rin Ako ng Tatlong Libro at nilagay din Doon.

Nang matapos Ako ay lumabas Ako ng kwarto at iniwan Muna ang mga Unggoy sa kwarto ko. Pumunta Ako ng kusina para kumain dahil Hindi Ako sumabay kanina sa Tanghalian.

Habang nagsa-sandok ng pagkain ko. Nakita kong pumasok si Daddy at kumuha rin ng pagkain nya.

Kumain nalang Ako at naramdaman ko Naman na umupo si Dad sa katabing upuan ko.

"Mousiee.."

Tawag sakin ni Dad kaya lumingon Ako sa kanya.

"Po?"

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now