CHAPTER 62

44 20 71
                                    

1 week later....

JAZ POV

Ngayon ay Araw ng balik-iskuwelahan namin.

Nandito Ako Ngayon sa canteen habang bumibili ng pagkain ko. Yung ibang kasama ko naman ay bumibili rin sila ng pagkain nila kasama ang mga jowa nila.

Napa-tingin ako sa harap ko ng iabot sakin ng tindera ang mga candy sa palad ko.

Anong gagawin ko Dito? Ang hinihintay ko Yung sukli ko?!.. bakit candy ang binigay sakin?!

"Ah Ate sukli ko ho? Hindi po Ako nabili ng candy.." pigil inis na tanong ko sa tindera.

"Aba! Yan na Ang sukli mo!" Inis na sabi nya sakin.

"Barya po ba toh sa tingin nyo ha?!" Inis na tanong ko. Nagkasalubing naman ang kilay nya.

Napansin ko ring lumayo ang mga istudyante sa paligid ko. Pero Hindi na Pinansin yon at binaling Kay Ateng tindera ang paningin ko.

"Aba! Bastos tong Bata na ah?! Hoy Yan na Yung sukli mo wag kanang maghanap ng iba!" Galit na sabi nya sakin.

"Aba naman ho?! Okay lang sana kung limang Piso lang Ang sukli ko eh!! Kaso 86pesos pa po ang sukli ko sa inyo! Tapos lahat ng sukli ko candy Ibibigay nyo?!" Galit na sabi ko sa kanya.

"Bes Tara na.."

"Jazzi hayaan mo na Yan.."

Pigil nila at ng iba pa sakin pero Hindi yon mga Pinansin.

"Hoy Bata ka?! Wag kang sumasagot sakin dyan?! Baka gusto mong ma-expelled Dito?!" Galititing tanong nya sakin.

.
.
.
.
.

TASHA POV:

"Hoy Bata ka?! Wag kang sumasagot sakin dyan?! Baka gusto mong ma-expelled Dito?!"

Galit na sabi sa kanya ng tindera. Pagkasabi nya non ay biglang nagblanko ang mukha ni Jaz at walang buhay na naka-tingin dun sa tindera.

Nako po Patay.. mali ka ng binangga

"Kilala nyo ho po ba Ako?"

Walang emosyon na tanong ni Jaz dun sa tindera. Kita ko ang kaba sa reaksyon ng mukha ni Ateng tindera.

"B-bakit sino kaba?" Halata sa boses nyang kabado sya habang naka-tingin kay Jaz.

"Sino Ako? Ako lang naman ang iyong konsensya"

Natampal nalang namin ng mga noo namin dahil sa kapilosopohan nya.

Asan na ba si Ken? Kanina pa wala yon eh dapat sya Yung pumipigil Kay Jaz Dito eh...

"Ako papa-expelled nyo? Baka bukas Wala na kayong trabaho? Baka nakakalimutan nyo hong ako ang may-ari ng iskuwelahan na ito" malamig na dagdag na sabi ni Jaz sa kanya.

"P-po? Kayo po ba s-si z-zham SS??" naluluhang tanong ng tindera sa kanya.

Hindi naman sya sinagot nito. Kaya tumingin sya samin na parang nagtatanong kaya lahat kami ay sabay sabay na tumango.

Pinagpawisan naman syang tumingin Kay Jaz. Na Ngayon ay wala sa kinakatayuan nya. Lahat kami ay tumingin sa labas at dun namin sya nakitang malayo na sa canteen ang lakad nya.

Ang bilis talaga non?

Kinuha ko nalang ang order na binili nya at lumabas nalang kami at sumunod sa kanya. Pero Hindi namin sya naabutan dahil wala na sya at Hindi namin alam kung saan na napunta yon.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now