𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 39

89 57 20
                                    

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

Papunta na ako sa bahay nila kuya at ng makarating ako ay pinark ko ang kotse kung saan ko pinark kagabi.

Nagpatulong ako sa mga naka-tira dito. Tinulungan nila ako na magbuhat sa mga kahon papunta sa bahay nila kuya.

Nang makarating kami sa bahay nila kuya ay kina-usap ko yung dalawang lalaki na tumulong sakin.

"Mga kuya.. pwede po ba kayo na lang po ang mag-bigay don?" sabi ko sa kanila.

"Bakit??" takang tanong ng isang lalaki.

"Hindi po kasi nila akong pwedeng makita at makilala.." nahihiyang sabi ko. Tumango na lang sila sakin.

"Pero pano pag tinanong nila kami na kung kanino galing toh??? anong sasabihin namin kung hindi kayong pwede makilala??" tanong ng isa.

"Sabihin nyo lang po na galing kay JZ po.." Naka-ngiting sabi ko kaya tumango sila.

Inabot ko ang paper bag na pink sa kanila. Kaya lumakad na sila papalapit sa bahay nila kuya.

Nagtago ako sa likod ng puno na pinag-taguan ko kagabi at tinignan sila.

Kitang kita ko ang gulat sa mukha nina kuya at ate ng iabot ng dalawang lalaki ang ipinamili ko.

𝑆𝑜𝑟𝑟𝑦 𝑘𝑢𝑦𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎𝑦𝑜...

May ilang minuto pa silang nagu-usap usap bago ipasok ang mga pinamili ko sa loob ng bahay nila at ng matapos nilang ipasok ay nabasa ko sa bibig ni kuya na nagpapa-salamat sya sa dalawang lalaki bago sya pumasok. Nakita ko naman na papunta na sakin yung dalawang lalaki kaya lumabas na ako sa likod na puno.

"Miss, naibigay na namin... kaano-ano nyo ba yon at ayaw nyong kayo ang magbigay??" tanong ni kuya ng makalapit na sila sakin.

"Kuya ko po... Salamat po sa pagbigay.." sagot ko sa kanila.

"Kuya mo naman pala eh bakit ayaw mong magpakita???" tanong naman nung isa.

"Hindi naman sa ayaw kong magpakita... pero mahabang storya kaya thank you na lang po ulit" sagot ko sa kanila.

Kumuha ako sa bulsa ko ng dalawang 500 at inabot sa kanila. Nung una ay ayaw pa sana nilang tanggapin pero pinilit ko dahil pamalit na rin yon sa ginawang tulong nila sakin.

Bumalik na ako sa kotse at umuwi.

Pagka-uwi ko sa bahay ay nagmano lang ako sa kanila at dumaretso na sa kwarto.

Nagbihis muna ako ng pantulog bago matulog.
.
.
.
.
.
JULY 11 SUNDAY

Dalawang araw ang lumipas na paulit-ulit lang ang ginawa ko Tulog-kain-pasok-uwi-kain-tulog.
Tulog-kain-kain-tulog.

Nagising na lang ng tumunog ang alarm ko. Inis akong bumangon dahil naka-alarm pa pala ng pang-pasok ang alarm ko.

Iniyos ko nalang ang pinag-higaan ko at pumunta ng cr para maghilamos at magtoothbrush.

Pagtapos kong maghilamos ay dumaretso ako sa gilid ng kama para kunin ang phone ko at bumaba na.

Pagkababa ko ay nakita kong busy sa paghahanda ang mga maid kaya dumaretso ako sa kusina para magtimpla ng kape kumuha na rin ako ng taste bread.

Pagkatapos kong itimpla at kunin ang tinapay ay pumanik na ako sa kwarto.

Dito na lang ako kumain sa kwarto dahil busy ang mga maid na nag-aasikaso para sa pamamanhikan ni kuya drake.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon