CHAPTER 15

116 75 45
                                    

JAZ POV:

Thursday..

Nagising ako ng 3:05am dahil sa korea pa pala ang alarm ko. Wala na kong nagawa kung hindi hintayin na mag 4:30am.

Habang hinihintay ko ay naisipan kong tawagan yung tumawag sakin kagabi.

Hindi na nya ito sinagot. Siguro tulog pa ito. Sinong tanga ang tatawag ng gantong oras? Diba ako lang!. Pero sino ka ba talaga? anong kailangan mo sakin?

Pinili ko lang magbasa sa wattpad. habang nagbabasa ako ay bigla akong napatigil sa pagbabasa dahil biglang may tumawag sakin. Kaya sinagot ko ito.

ON THE PHONE

"Hello.." sabi ko

(Hello, good morning. Ako to yung tumawag sayo kagabi..) sabi nya. Napa-hikab naman ako

"Ah oo ikaw yon. Pero bakut nga pala? Ano pong kailangan nyo po sakin? pano nyo po nalaman ang number ko?" sunod sunod na tanong ko sa kanyan

(Ah, sige, sasabihin ko sayo mamaya kung sino ako. Magkita tayo sa likod ng canteen. Mamayang lunch)  sabi nya kaya napa-bugtong hininga nalang ako.

"Sige po, sa school po?" sabi ko sa kanya

(Oo. Sige kita na lang tayo mamaya bye) paalam nya.

"Sige, mamaya nalang bye" huling sabi ko bago ko ibaba ang tawag dahil maliligo na ko.

Pagkababa ko ng phobe ay agad akong pumunta sa cr para maligo.

Ng matapos ko na ang lahat ng retwal sa cr ay magbihis na rin ako ng uniform ko at Nagpatuyo ng buhok.

𝗙𝗮𝘀𝘁 𝗳𝗼𝗿𝘄𝗮𝗿𝗱

Bumaba na ko at pumunta sa kusina pero nagulat ako ng makita ko nandito ang isang tao na hindi ko inaasahan na nandito ng gantong oras ng umaga.

Kaya lumapit ako sa kanila nagulat naman sila nung lumapit ako.

"Good Morning po" bati ko sa kanila

"Good Morning din, Jaz"balik na bati nya

"Good Morning, Jaz"bati din sakin ng kasama nya. Ngumiti at tumango na lang ako sa kanila

"Oh Jaz, kain kana"aya sakin ni Ate, bago tuunan ng pansin si Kuya Drake

"Sige po, Kuya Drake dito po kayo natulog?" tanong ko kay Kuya Drake. Tumango lang sya, ng sanhi ng pagkalaki ng mga mata ko.

"PO?, dito po kayo natulog po, diba po hindi po kayo pinapansin kagabi ni Ate"sunod-sunod na tanong at sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla na lang syang tumawa ng malakas at napatigil sya sa pagtatawa ng dahilanan ng mahina nyan daing dahil kinurot sya ng mahina ni Ate sa tagiliran.

"Ah Ate mo kasi gusto pala dito ako matulog kagabi kaya nagtatampo sakin" nagpipigil ng tawa na sabi Kuya drake kaya kinurot ulit sya ni Ate.

"Ah sige po, anytime naman po pwede po kayo matulog dito po eh" sambit ko kay Kuya Drake, kaya lumaki ang mga mata nya sa sinabi ko at ng tignan ko si Ate ay nakangiti lang sakin

"Ano sabi mo?, pwede ako matulog dito kahit kailan" nanlalaking mata nyang sabi sakin. Gulat na gulat?

"Yup po, pwede po kasi magiging asawa na rin naman po kayo ni Ate kaya pwede po kayo matulog dito" ngiting sabi ko sa kanya. Kaya gumanti sya sakin ng ngiti.

"Sige, Jaz.. kain kana" aya sakin ni Kuya Drake. Kaya umupo na ko sa upuan at pinaghainan ako ni Kuya Drake ng pagkain.

Pagkatapos akong paghainan ni Kuya Drake ay sinimulan ko na ang pagkain ng hinanda ni Kuya Drake sa harapan ko.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon