CHAPTER 61

47 29 73
                                    

NEW YEAR... NEW????

JAZ POV:

December 31 na Ngayon at naghahanda na kami para sa pagsalubong ng bagong taon mamaya.

10:50pm na kaya kunti na lang gising samin dahil sama-sama naming sasalubungin ng gising at may enerhiya ang bagong taon.Gigisingin nalang ang iba para mamaya.

Pero Yung ang Akala namin nasama sama kaming sasalubungin pero dahil sa Hindi inaasahang pagkakataon ay nataon pang Ngayong pumutok ang panubigan ni Ate Yllia.

"AHHHH!!!!"

Sigaw ni Ate Yllia habang naka-tingin sa basa nasa sahig.

Mabilis syang binuhat ni Kuya Ven at dali-daling sinakay sa Kotse. Sumakay rin sina Mommy at mamanay. Para samahan sila.

Kaming lahat sumunod sa kanila gamit ang van. Ang iba na natutulog ay Nagising din tulad Nina Ate, Ate Nadia, Kuya at Kuya Drake. Ang kambal ay pinabantayan namin Kay Manang dahil tulog mantika ang dalawa kaya kahit Anong ingay ay Hindi sila magising-gising.

Nasakalakunan kaming nasa byahe at sinusundan ang kotse ni Kuya Ven. Ako naman ay tinatawagan ang number ni Ma'am Donna.

Hindi rin nagtagal ay sinagot nya rin ang tawag.

(Hello..) bungad ni Ma'am

"Ma'am si Ate Yllia!! Manganganak na po!" Tarantang Sabi ko.

(Ano!!! Sige Saang hospital pupunta Ako?!") Tarantang Sabi nya rin pero halata sa boses nya ang pag-aalalang.

"Sa JRSS hospital po" Sabi ko dahil dun lagi nagpupunta sila Ate Yllia at Kuya tuwing magpapa-check-up sila.

(Sige, thank you pupunta na ako)

Huling Sabi ni Ma'am bago binaba ang tawag.

.
.
.
.
.

VEN POV:

May ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating na kami sa hospital. Saktong paghinto ng sasakyan ay mabilis ko namang binuhat ang asawa ko at hiniga sa Rolling hospital bed.

Pinasok Yung asawa ko sa delivery room pero Ako ay pinahinto muna nila at kailangan ko daw pil-a-pan ang waver nila.

Ano bayan, Diba pwedeng mamaya nayan?! Pero Hindi pwede kailangan sundin ang patakaran..  kahit pa sabihin nating Ako ang may-ari  nito!

Sinagutan ko ng mabilis yon at pumasok sa loob ng delivery room. Sa loob ko narin sinuot ang hospital gown, plastic cap at Facemask.

Hinawakan ko ang kamay ng asawa ko at hinalikan ang noo nya. Halata sa kanya na pinipilit nyang ngumiti sakin habang dinadama ang kirot at sakit na nararamdaman nya Ngayon.

"AAAAHHH!!!!" sigaw nya habang umiiri.

"IRE PA MISIS!, IRE PAA!!" Sabi naman Nung doctor. Kaya ginawa naman ng asawa ko.

"IIIHHHHGG!!! ARGHHH!!!"

*Baby cries*

Yung kaninang kaba at takot nararamdaman ko ay biglang nawala ng marinig namin ang Iyak ng sanggol.

Binuhat Nung doctor ang sanggol at hiniga sa tabi nyang newborn baby bed. At Nang maihiga nya yon ay bumalik sya sa asawa ko.

"MISIS, MORE IREE MISIS!" Sabi nya kaya nagtaka kami ng asawa ko pero nawala din yon ng kusang umire ng asawa ko at nahigpit na kinapitan ang kamay ko.

"Aaaaahhhhh!!!!"

"SIGEE PA!! IRE PA!!"

"Aaahhhhhhh!!"

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon