CHAPTER 7

153 90 73
                                    

SURPRISE DATE!

JAZ POV:

Maaga akong nagising dahil maghahanda kami sa plano namin na gaganapin mamayang 5pm ng hapon.

Magaling narin ang tuhod namin ni Tasha kaya handa na ulit kami sa sabunutan joke hehe.

Nandito kami ng quadro sa rooftop ng hotel. Kumpleto na ang lahat sila Ate at Kuya Drake na lang ang kulang.

4:58pm

4:58pm na nakatago na kami at hinihintay na namin sina Ate. Ng biglang sabay na tumunog ang cellphone namin ni Tasha.

Kaya sabay kaming lumabas sa pinagtataguan namin at lumayo sa isat isa para hindi narinig ang kausap namin.

𝗢𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗵𝗼𝗻𝗲

"Hello po Ate." bungad ko kay Ate

( Nandito na ko sa baba ) sagot ni Ate sakin

"Sige po.. Ate akyat na po kayo sa rooftop po" sagot ko kay Ate

( Sige akyat na ako ) huling sabi ni Ate bago patayin ang tawag.

Pagkapatay ay agad ko ng tinago ang cellphone at bumalik sa pinagtataguan ko kanina. Pagkabalik ko ay nakita ko na si Tasha nasa pigtataguan nya kanina.

Nakatago parin kami sa likod ng halaman na nilagay namin kanina.

Hindi ko alam kung bakit namin ilagyan ng halaman

Natahimik kami ng bumukas yung pinto at niluwa non ay sina Kuya Drake at Ate.

Pagpasok nila ay agad kaming lumabas at sabay na sigaw ng....

"SURPRISE!!" sigaw naming lahat.

Habang nakatingin kila Kuya Drake at Ate na ngayon ay naguguluhang sa nangyayari.

"Jaz/Tasha anong nangyayari dito?" Sabay na naguguluhang tanong nina Ate at Kuya Drake.

"Surprise po namin para masabi nyo na po na may gusto po kayo sa isat-isa" paliwanag ko pero nagulat kaming apat ng bigla silang tumawa na hindi namin maintindihan.

Nagtinginan kaming apat at nagtatakang tumingin kila Kuya Drake at Ate.

"Ate bakit po kayo tumatawa?" Takang tanong ko kay Ate kaya tumigil sila sa kakatawa.

Pero imbis na si Ate ang sumagot. Si Kuya Drake ang sumagot para kay Ate.

"Ano ka ba Jaz nililigawan ko na Ate mo"natatawang sagot sakin ni Kuya Drake.

"ANOOO!!" sigaw na sabay naming apat na sabi.

"Kuya, nililigawan mona si Ate Tine?" gulat na tanong ni Tasha kay Kuya Drake.

Tumango na lang si Kuya Drake. Tinignan ko si Ate ay tumango din sya.

Parang may nangyayari ng Hindi namin alam ah?

"Kailan mo pa po nililigawan si Ate?" gulat na tanong ko kay Kuya Drake.

Bago ko niligid ang paningin ko nagulat ako ng makita kong kumakain na yung dalawang tukmol kaya pala nanahimik.

Eto talagang sila Tyron at Carl?.. same vibes pagdating sa pagkain..

Bumalik ang tingin ko kay Kuya Drake.

"Jaz, nililigawan ko ang Ate mo simula nung dinala kayo ni Tasha sa clinic pero sana..."bitin nyang sabi

"Sana?... po alin?"Tanong ko kay Kuya Drake

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now