𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 51

79 58 26
                                    

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

"Sige po babalik po ako dito sa bahay... basta Papayagan nyo po akong mag-trabaho?.." sabi ko kaya gulat naman syang napa-tingin sakin.

𝐻𝑎𝑦𝑠𝑠𝑡 𝑎𝑛𝑜 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑡 𝑝𝑢𝑚𝑎𝑠𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑢𝑡𝑎𝑘 𝑘𝑜? 𝑎𝑡 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜 𝑦𝑢𝑛?! 𝑡𝑎𝑛𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑛𝑔𝑎 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑠𝑖!!

Yung gulat na reaksyon nya ay napaltan ng kunot noo at salubong ang kilay.

"No! hindi kita papayagan magtrabaho!" maotoridad na sabi nya.

"Okay.." sabi ko sabay umalis

Hinabol nya naman ako at hinawakan ang pulsuhan ko. Kaya napatigil naman ako at tumingin sa kanya.

"Tisay..." sabi nya

"Mrs. Jam kilala nyo po ako simula bata.. alam nyong madali po akong kausap kaya kung ayaw nung tao, ay ayaw ko rin.." mahinahon kong sabi bago ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hinabol nya ulit ako.."Sige na nga tisay.. papayagan na kitang magtrabaho basta dito kana ulit titira.." naka-ngusong sabi nya.

"Okay po madali naman po akong kausap eh" sabi ko kaya napa-ngiti naman sya.

Pero ganon na lang pagtigil ng tibok ng puso ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. May ilang segundo rin akong natulala bago gumanti ng yakap. Ramdan ko rin ang gulat nya pero hindi ko na yon pinansin dahil mas nanaig sakin ang pakiramdam ng bisig ng ina. Na huli kong naramdam ay yung kay tita ziah nung birthday ko.

Pero ng mapansin kong dumidilim na ay agad akong kumalas ng yakap sa kanya.

"Sige po.. alis na po ako" paalam ko.

"Pahatid ka na sa kuya mo.." sabi nya pero umiling ako.

"Hindi na po... sige po magdidilim na po.. babye po" huling sabi ko kaya napa-tungo na lang sya. Kaya umalis na ako at nag-abang ng taxi.
.
.
.
𝗙𝗔𝗦𝗧 𝗙𝗢𝗥𝗪𝗔𝗥𝗗

"San ka galing??" tanong ni kuya ng maka-uwi ako.

"Sa bahay po" sagot ko sa tanong nya kaya nakita ko naman syang tumingin sakin ng may pang-aasar.

"Oh kala ko ba hindi ka pupunta doon??" pang-asar na tanong.

"Na-scam ako ni kuya ven" sabi ko kaya yung mapang-asar na tingin nya ay napaltan ng pagtataka.

"Na-scam saan??" takang tanong nya kaya napa-bugtong hininga naman ako bago sumagot.

"Kasi ang sabi nya po sakin ay natatakot po syang sabihin kila daddy yung tungkol sa pagbubutis ng girlfriend nya.. kaya inuto nya ako at ang sabi nya ay ililibre nya daw ako at sumama sa kanya at ako daw ang magsabi sa kanila na yung tungkol sa gf nya.. tapos malalaman kong alam pala nilang lahat yon.. alam pala nilang ,6 months ng buntis si ate yllia..." mahabang kwento ko kaya gulat naman na tumingin sakin si kuya.

"Ang lakas rin pala ni ven ano?? nauhan pa si tine.. diba 4 months buntis si tine tapos sa gf nya 6 months??" gulat na sabi nya.

"Oum mana sayo.." biro ko kaya malakas naman syang natawa ng dahilan ng pagka-gising ni rana.

"Hahahha ikaw na bahala dyan kuya.. bihis lang ako" natatawang sabi ko kaya tumango na lang sya bago tuunan ng tensyon ang anak.

Kinuha ko lang ang panpalit na damit ko bago pumasok sa banyo para magpalit.

Nang natapos akong magpalit ay naghain lang ako ng pang-hapunan namin. Hinain ko lang ang binili kong lutong ulam kanina nung umuwi ako.

"Ate nadia.. kakain na po" tawag ko kay ate nadia. Ng matapos akong maghain.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now