𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 47

82 55 42
                                    

JULY 20 MARTES

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

Nagising na lang ako ng tumunog ang alarm ko. Bagong set ang oras ng alarm ko dahil mas malapit ng kaunti ang GIHS dito sa bahay nila kuya.

Bumangon na ako at dumaretso sa bakuran nila ate sa gilid ng bahay nila para kunin sa sinampay ang mga binili kong damit dahil nakalimutan kong kunin kagabi.

Kinuha ko lahat yon at pumasok na sa loob at isa isang tiniklop ang mga damit. Pagtapos kong tiklupin lahat maliban sa susuotin ko ay nilagay ko na lahat sa isang kahon at nilagay sa isang gilid para hindi kalat kalat.

Kinuha ko na ang susuotin ko at dumaretso na sa cr para maligo at magtoothbrush.

Nag-suot lang ako ng sando at short ng matapos na akong maligo. Yung damit na pinaghubadan ko ay pinulupot ko muna sa buhok ko.

Kinuha ko na rin ang mga madumi kong damit at lumabas na ng cr. Paglabas ko ay nakita kong naghahanda ng agahan si kuya.

"Good morning po kuya" bati ko kay kuya na ngayon ay nagsasandok ng kanin sa plato.

"Good morning rin jaz.." bati rin ni kuya kaya ngumiti at tumango ako. "kumain ka muna bago ka pumasok ah?"dagdag na sabi ni kuya kaya tumango na lang ako.

Ngumiti naman si kuya sakin kaya ngumiti na lang ulit ako sa kanya bago ilagay sa isang eco bag ang mga madudumi kong damit.

Nagsuot na ako ng palda at uniform tinanggal ko na rin ang damit na nakapulupot sa buhok at sinuklay na rin.

Nagbraid lang ako at nagpulbo. Nagmedyas at sapatos na rin ako bago umupo sa silya para sumabay sa kay kuya kumain.

Kaming dalawa lang ni kuya ang gising dahil mukang napuyat si ate sa kaka-alaga kay rana.

Tinapos ko na lang pagkain ko at kape. Nagprisinta na rin ako na ang maghuhugas kaso ayaw pumayag ni kuya ayun! sya ang naghugas ng pinagkainan namin.

umupo na lang ako sa sofa at pinanood na lang si kuya habang naghuhugas.

𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑝𝑤𝑒𝑑𝑒𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑟𝑎𝑏𝑎ℎ𝑜?
𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑢𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑛? 𝑠𝑎 𝑔𝑎𝑛𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑒𝑑𝑎𝑑?

"Kuya.." tawag ko kay kuya kaya lumingon naman sakin si kuya saglit bago ibalik ulit sa hinuhugasan nya.

"Oh?"

"Kuya, may alam ka bang pwede kong pasukan??" tanong ko kaya kuya kaya tinignan nya naman ako ng may pagtataka.

"Huh? Pasukan saan??" takang tanong nya.

"Pasukan na trabaho" deretsong sagot ko.

"Bakit naman??" tanong nanaman nya.

𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛 𝑏𝑎 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑔𝑢𝑡𝑖𝑛 𝑛𝑖 𝑘𝑢𝑦𝑎 𝑦𝑢𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑜?

𝑀𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜, 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑟𝑖𝑛 𝑠𝑦𝑎.

"Gusto ko pong makatulong sa inyo.." sagot ko kaya nagkasalubong naman ang kilay nya.

"Ano?! hindi pwede bata ka pa!" galit na sabi nya "At ang dami mo ng nagawang tulong samin ng ate nadia mo.."biglang malumanay na sabi nya.

"Plss po kuya payagan nyo na po ako.. At tsaka kuya kilala nyo rin naman po ako.. hindi naman po ako sanay na walang ginagawa at naka-tunganga lang po at naghihintay na bumaksak ang bayabas.." nagmama-kawang sabi ko kaya narinig ko naman na bumugtong hininga si kuya habang pinupunasan ang kamay dahil tapos na syang maghugas.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon