𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 45

83 55 26
                                    

JULY 19 LUNES

𝐂𝐀𝐑𝐋 𝐏𝐎𝐕:

Dalawang araw maka-lipas simula nangyari ang birthday ni jazzi at hanggang ngayon ay hindi parin namin syang mahanap at kahit text at call namin ay hindi nya sinasagot.

𝑛𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑘𝑎𝑛𝑎??

"Ang landi talaga nung zhammirah na yon!!??"

"Oo nga eh!! may fiance na pala tapos pinatulan nya pa!!"

"Deserve nya yung ginawa sa kanya ng nanay nya!!"

"Malandi kasi!!"

Nandito kami ngayon sa room at lahat kaming quadro ay naiirita sa mga bulong bulungan ng mga klassmate namin dahil wala silang bukang bibig kundi ang patungkol kay jazzi, ken at shantelle.

"Alam nyo?!.. kunting-kunti na lang papatulan ko na tong mga toh!!" naiiritang bulong ni tashing samin.

"S-sorry guys..." paghinge ulit ng tawad ni ken samin.

Friday pa lang gabi mula ngayon ay paulit-ulit na humihinge ng tawad si ken. At paulit-ulit naman naming syang pinapatawad dahil hindi naman nya kasalanan yung ng nangyari dahil biktima rin sya sa pinag-gagawa ng nanay nya. At rinig din naman namin yung mga sinabi nya nung gabing birthday ni jazzi at kitang kita namin na seryoso sya dun at mahal nya talaga si jazzi.

"Ken.. wag ka samin mag-sorry dahil wala ka namang kasalanan samin.. kay jaz ka dapat mag-sorry hindi samin.." malumanay na sabi ni tashing sa kanya.

Ngumiti sya samin kaya ngumiti rin kami sa kanya. Pero sabay sabay kaming lima napa-tingin sa pinto.

"Ms. Donna excuse me po.. pinapatawag daw po kayo ni Mr. shackleford at Mr. Smith po sa prinsipal office po.." sabi nung boys-scout kay ma'am. Tumango naman si ma'am sa kanya.

Nagka-tinginan naman kami quadro dahil sa narinig namin. Tinignan naman kami nina ken at red ng may pagtataka.

𝑀𝑟. 𝑆ℎ𝑎𝑐𝑘𝑙𝑒𝑓𝑜𝑟𝑑 𝑎𝑡 𝑀𝑟. 𝑆𝑚𝑖𝑡ℎ?? 𝑎𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑑𝑖𝑡𝑜??

"Okay class.. behave lang pupunta muna ako sa prinsipal office.." sabi samin ni ma'am kaya sabay sabay kaming tumango kaya ngumiti lang si ma'am samin bago umalis.

Pagka-alis ni ma'am ay yun naman ang alingaw-ngaw ng mga daga ay-- este klassmate pala namin.

"Mr. Smith?? sino yon??"

"Oo nga eh.. tsaka sino rin yung Mr. Shackleford??"

"Sino kaya sila??"

Samu't saring bulungan ng mga klassmate namin.

"Kilala nyo?? kung sino yung Mr. Smith at Mr. Shackleford??" tanong samin ni red. Kaya sabay sabay kaming tumango na lang kaming tatlo sa kanila kaya tumango lang din sila samin at hindi na nagtanong pa.

"Guys.. sumagot na ba si jaz sa inyo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa eh.." malungkot na sagot ni tasha sakin.

"Ganon ba.. eh kung tawagan ulit kaya natin sya??" sabi ko kaya tumango sila at sabay sabay kinuha ang mga cellphone namin.

Sinubukan kong tawagan ulit si jazzi pero hindi nya parin ito sinasagot. Rinig ko rin ganon rin ang kila tasha, red, tyron, at ken. Sinubukan ko ulit tawagan si jazzi at sa pagkakataon na toh ay sinagot na nya ang tawag.

"H-hello jazzi.." mabilis na sagot ko sa tawag.

Tumingin naman sila sakin kaya ni-loud speaker ko ito. Kaya lumapit naman silang apat sakin at parang magkakapalit-palit na ang mga mukha namin dahil sa sobrang lapit nila.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now