CHAPTER 13

131 80 55
                                    

BONDING WITH DADDYLO AND MOMMYLA

JAZ POV:

Habang naggogrocery kami ay kuha ng kuha rin ako ng chocolate para pangpasalubong ko sa mga kaibigan at pamilya ko sa pilipinas.

Ng matapos na kaming maghakot ng maghakot ay agad kaming pumunta sa may cashier para bayaran na yung mga pinamili namin nagbigay naman ng pera kay Daddylo para bayad dun sa mga chocolates na kinuha ko.

kaso hindi tinangggap ni Daddylo yung pera pero pinilit ko parin. Sa huli ako parin ang nagwagi hehe makulit ako ehh

Nang matapos na kaming mamili ay naisipan naming umuwi dahil mamayang gabi na ang flight ko.

Nang makauwi na kami sa bahay ni Daddylo ay agad akong dumaretso sa cr dahil kanina ko pa pinipigilan yung wiwi ko.

Nang marating na ako sa cr ay agad akong namangha sa itsura ng cr ni Daddylo. Di ba sya natatakot? Dahil yung toilet ay may painting din na ulo ng demonyo. Tapos sa dingding at kisame may naka-ukit ding demonyo. Sa bawat lingon ko sa paligid parang may nakatitig sakin dahil lahat ng pader dito sa loob ng cr ay may pinta na muka ng mga demonyo na parang nakatitig sayo tapos dadag mo pa ang pulang ilaw sa loob.

Minadali ko na lang ang pagwiwi dahil tumataas ang mga balahibo kosa itsura ng cr. Pagtapos ay lumabas na ko pero napatalon ako sa gulat ng saktong pagbukas ko ng pinto ay may nakatayo na demons na harap ng pinto.

Napatakbo ako ng wala sa oras dahil sa gulat.

"Daddyloooooo!!" sigaw ko habang tumatakbo.

"Mommylaaaa!!!"sigaw ko ulit

"Mommylaaaa!! Daddylooooo!!" sigaw ko ulit habang tumatakbo parin.

Ng makita ako nila Mommyla at Daddylo.

"Oh apo bakit ka nasigaw at naiyak?atsaka yung sipon mo oh natulo na" nag-alalang tanong ni Mommyla. Narinig ko naman na tumatawa si Daddylo.

"Drew, you took me a lot of tissue" utos ni Daddylo sa butler nya.

Ng dumating ang butler ni Daddylo ay agad na binigay ng butler yung tissue kay Daddylo.

"Oh apo, punasan mo muna yang sipon mo" natatawang sabi ni Daddylo sabay abot sakin ng tissue.

kinuha ko naman ang binigay nyang tissue at pinunas sa mga sipon kong kanina pa tumutulo at yung iba ay nakakain kona.

"Apo, ano bang nangyari sayo at tumatakbo kanina?" Tanong ni Mommyla habang nagpipigil tumawa.

"kasi po may nakatayo po dun sa mga harap ng pinto ng cr po"naluluhang sabi ko, narinig ko naman ang pagbugtong hininga ni Mommyla.

"Di'ba sabi ko sayo tanggalin mo na yung standing demons cardboard mo dun sa harap ng cr!!" Galit na sabi ni Mommyla kay Daddylo.

"Eh yaan mo dun yon panakot lang yon sa mga daga" mahinahong sagot ni Daddylo kay Mommyla.

"Muka bang daga yang Apo mo!! oo alam kong paborito ng mga daga pumunta sa cr!. Pero naman hindi naman daga yung Apo mo!!" Inis na sabi ni Mommyla kay Daddylo.

May daga dito?

Lumingon ako sa paligid at nakita ang bahay ng mga dagang puti at hamster na nakakulong at naglalaro sa kulungan nila.

Gusto kong tumawa sa kanila kasi nagmumuka silang teenager na nag-aaway.

"Opo, alam ko naman hindi daga ang apo natin, pero okay lang din yon parang daga rin naman yang apo natin" natatawang sabi Daddylo narinig ko naman ako pagtawa ni Mommyla

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now