𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 50

77 58 24
                                    

𝐉𝐀𝐙 𝐏𝐎𝐕:

Nagising na lang ako ng tumunog ang alarm ko. Kaya bumangon na ako at naligo na.

Tulad ng ginawa ko kahapon bago ako punasok ay ganon din ang ginawa ko pinaghiwalay ko ang marumi at malinis kong damit.

"Jaz.. wala akong mahanap na trabaho na pwede mong pasukan..." sabi ni kuya habang nag titimpla ng kape.

"Ganon ba kuya??" Naka-ngiting tanong ko.

"Meron naman na tatagap sa edad mo pero... taga buhat ng gulay sa palengke... hindi mo naman kaya yon.." sabi ni kuya kaya napa-tungo na lang ako

"Sige po kuya.. wag na lang po..." naka-ngiting sabi ko.

"Sige pagmeron akong nahanap sasabihin ko agad sayo.." sabi nya kaya napa-tango na lang ako"Pero jaz pwede favor??" tanong nya

"Ano naman po yun kuya??" tanong ko.

"Na Sasama ka samin sa susunod na linggo.."deretsong sagot ni kuya kaya tinignan ko naman sya ng may pagtataka.

𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡? 𝑎𝑛𝑜 𝑚𝑒𝑟𝑜𝑛?

"Anong meron sa susunod na linggo kuya??"takang tanong ko kay kuya.

"Nagtext kasi sakin si mom... Pinapapunta nya daw tayo sa susunod na linggo sa bahay" deretsong sabi nya. Natahimik naman ako.

Hindi ko na sya pinansin at minadali na lang ang pagkikilis. At ng matapos ako ay humarap ako kay kuya..

"Kuya alis na po ako.." paalam ko kay kuya at akmang bubuksan ko na ang pinto para lumabas ay bigla nya akong pinigilan.

"Jaz.. sana magka-ayos na kayo ni mommy.." sabi ni kuya.

"Susubukan ko.." yun na lang ang nasabi ko bago tuluyang lumabas.

Pagkalabas ko ng pinto ay sinimulan ko na ang paglalakad pero napahinto ako ng makita ko ang "House for sale" sa katabing bahay nila kuya na.

𝑀𝑎𝑔𝑘𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑦𝑢𝑛??

Lumapit ako sa bahay at sinipat sipat. May nakita naman akong contact number kaya pinicturan ko yon at umalis na ako.

Pumara lang ako ng jeep na papuntang GIHS. At ng marating ako sa school ay tumakbo ako papunta sa room ko.

"Good morning" sabay sabay na bati nilang lima.

"Good morning din sa inyo" balik na bati ko rin sa kanila.

Umupo na ako at nag-drawing na lang dahil wala pa ang adviser namin.

Habang nagdra-drawing ako ay bigla na mang lumapit si shantelle kay kurikong.

Hindi ko yon nilingon at pinagpatuloy ang pagdra-drawing pero nakikinig parin ang tenga ko sa usapan nila.

"Kenchie mylove naman eh.." pabebeng sabi ni shantelle

"Pwede ba tigil-tigilan mo ako shantelle!! dahil baka makalimutan kong babae ka!!" inis na sabi naman ni kurikong

"Kenchie.. susumbong kita kay tita!!" naiyak na sabi naman ni shantelle

𝑇𝑠𝑠. 𝑈𝑚𝑖𝑦𝑎𝑘 𝑘𝑎 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑚𝑜!!

"Edi magsumbong ka! pakelam ko naman sayo!!" Ngising sagot naman ni kurikong sa kanya.

𝑑𝑒𝑠𝑒𝑟𝑣𝑒!

Napa-lingon ako sa apat ng biglang nagsibungis-ngisan at nagpipigil ng tawa.

Umiiyak namang bumalik sa upuan si shantelle at si kurikong naman ay umupo sa tabi ko.

SHOW UP WITH LOVE (4QDRO/SS Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now