Epilogue

36 1 2
                                    

TATLONG oras ang byahe namin papuntang San Teodoro, pag pasok namin sa San teodoro halatang makaluma ang mga bahay at talagang wala nang mga taong nakatira.

Pumaba kami sa isang tindahan para mag tanong.

"Tao po" tawag ko, lumabas ang matandang babae na mga 40s pataas na ang edad, "Magandang Tanghali po, Saan po ba dito ang Hacienda Teodoro?" Tanong ko.

"Ikaw ba si Isabel?" Diretso niyang tanong.

Nagulat ako nang sabihin niya ang pangalan ko "Opo ako nga po, paano po ninyo nalaman?" Naguguluhan kong tanong.

"Halikayo sa loob" Aya niya saamin.

"Matagal nang wala si Lolo manuel, may mga bagay siyang ibinilin bago nawala. Hindi ko alam- hindi ko mapaliwanag yung nais kong sabihin, 1950 nang mawala si Lolo manuel ibinilin ni Lolo kay Lola Alice ang bunsong kapatid ni lolo. Sakanya ibinilin ang mga bagay na ito." Kinuha niya ang isang baul na medyo malaki. Luma at maalikabok na.

"Ang sabi daw ni lolo, kapag may naghanap sakanya kahit Anong panahon ibigay lang daw namin ito sakaniya, nag kwento si lolo ng kanyang unang pag ibig kina nanay at tatay, anak ni lola alice. I kwenento niya ang kanyang pag ibig." Kwento niya.

"Nang makilala niya ang binibining bumihag ng kaniyang puso ay para bang tumigil ang mundo nang makita niya itong pinag mamasdan ang paligid habang nasa puno sila ng Narra, hindi nga daw makapaniwala si Lolo dahil sa tapang at mataray na binibining kanyang nakilala, nang malaman niyang nakatakda silang ikasal eh halos gabi gabi niyang iniisip ang itsura ng binibining bumihag ng kaniyang puso, Hanggang sa nahulog na nang tuluyan nakakahiya daw nang umamin siya sa binibining iyon lalo't madaming tao. Nais sana niyang umamin sa mismong puno ng narra dahil duon nag simula ang kanilang kwento." Patuloy siya sa pag kwento. Hindi ko akalain sa hinaba haba ng panahon ay naaalala pa din niya ang kwento naming dalawa.

"Hanggang sa nahulog din daw ang loob ng dalaga sakaniya sobrang saya niya lalo't parehas nila hinaharap ang mga hamon sa buhay. Pero dumating yung araw kung saan kailangan lumisan ng babaeng mahal niya. Nung una hindi niya maintindihan ang sinasabi nito pero nang malaman niyang hindi sila pwede ay sobra siyang nasaktan, hindi na nag mahal si lolo manuel dahil gusto niyang una't huling pag-ibig niya ito. Hindi niya sinabi ang ngalan ng dalaga nais niyang siya lang ang makaalam ang buong pagkatao at pagkakakilalanlan" dagdag pa nito, agad kong pinunasan ang mga luhang namumuo saaking mga mata.

"Ang sabi pala nila nagkaroon ng asawa si lolo ngunit hiniwalayan niya ito dahil hindi niya ito mahal, parang ikinasal sila dahil walang maalala si lolo kaya sinamantala nila si lolo" wika niya.

"Ito ang mga bagay na nais niyang ibigay kapag may pumuntang isabel dito, una na itong kwintas. Isabel ang ngalan kaya sa tingin namin ay isabel ang pangalan nang babae kanyang iniibig. Nag tataka lang ako dahil ka pangalan mo at mas lalo nakakapagtaka dahil may ipininta siyang obra na kamukhang kamukha mo" kinuha niya at ibinigay saakin.

"Omg ka beh kamukhang kamukha mo oh, saka kapangalan mo ba what a coincidence!" kinuha ni cassa saka inilagay sa gilid ng mukha ko para pag kumparahin.

Naka side view ako at naka ngiti habang nakatanaw sa paligid, sa pag kakaalam ko ay sa Ilo-ilo ito sobrang saya ko nang dalhin niya ako sa magandang tanawin ng ilo-ilo.

"Kamukhang kamukha mo siya, sigurado kami na siya si isabel kamukha mo talaga siya hindi ako makapaniwala" namangha siya nang pagmasdan niya pa ang mga mukha ko.

"Kakaunti lang ang laman nitong baul, may liham dito at hindi namin binasa ang mga nakasulat jan dahil ayaw niyang may nakakabasa ng liham niya kaya hindi namin alam ang nakasulat jaan, nasa puno nang Narra siya nakalibing malapit sa Hacienda Teodoro " wika niya, kinuha ko ang kwintas at ang obra ganon din ang mga liham at inihatid niya kami sa Puno nang narra.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now