Kabanata 4

64 9 0
                                    

Hindi na nakapag salita ang guardian civil.

"Mabuti na lamang at narito ka Kuya, sandali samahan mo muna si Isay dahil kailangan ko gumamit ng palikuran mukhang napadami ang nakain ko" paalam niya, jusko iiwan pa talaga ako ng buang.

Napapadyak nalang ako sa inis.

"Anong ginagawa mo rito sa oras ng gabi?" Tanong niya saakin.

"May alam ka ba dito na puno ng narra?" Tanong ko sakanya.

"Madami.....bakit?"

"Basta!"

"Ikaw ba ay makikipag kita sa iyong nobyo?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Wala! Wala akong nobyo hinahanap ko lang ang aking kapatid" paglilinaw ko

"Ganon ba, halika may alam ako ngunit malayo layo iyon nasa dulo pa ng hardin namin at lalabas pa tayo"

Jusko ang layo!

"napaka galing mo pala kanina, ako'y iyong napahanga" ngiti niya.

" S-salamat, maliit na bagay" nahihiyang saad ko.

" Sa totoo niyan ay tulad nila Ama at ng iyong magulang ay nagulat din ako pagkat ngayon ko lang din narinig ang awiting iyong inawit"

Hindi naman siya maniniwala kung sasabihin kong sikat ang kumanta non at hindi din ipinapanganak ang kumanta non.

" Naku, basta wag mo nalang itanong"

"tungkol ba saan ang awiting iyon? " Tanong niya.

"ahh... Tungkol siya sa pag iibigan ng dalawa.... Na nangako na mag iibigan kahit anong mangyari"

" Kung ganon ay napakaganda naman, yan ba ay iyong isinulat para saiyong lalaking minamahal? "

Tinignan ko siya ng masama, " wala nga akong nobyo! " Sigaw ko

Napataas siya ng kamay parang sumusuko. "Oo na, huwag kang magalit" wika niya, tumigil na din siya sa pagsasalita hanggang sa nakarating kami sa puno na sinasabi niya.


"Wala naman sila dito!" Inis kong sabi.

"Tara na bumalik na tayo baka hinahanap na din nila tayo" pang- aaya ko "patawad kung napagod kita, eh akala ko kasi na na dito sila" paghingi ko sakanya ng tawad.

"Wala iyon" saad niya, nang baba na ako dahil medyo matarik pababa ay muntik na akong madulas dahilan nanapahawak ako sa damit niya, dahilan para mahawakan niya ang kamay ko.

Ilang saglit din kami napatigil, hindi ko alam pero parang saglit tumahimik ang paligid kahit kulilig lang naman ang aming naririnig. Agad kong tinanggal ang kamay ko at nag kunwaring pinagpagan ang aking saya.

"D-dahan dahan ka binibini, masyadong matarik" paalala niya, dapat kanina jusmiyo kung saan muntik na akong madulas pababa. Nang makababa kami ay laking gulat ko nang makasalubong namin sina Don Mariano at Don Remedios ganon din ang pamilya ni Manuel.


"Ano ang ibig Sabihin nito?!" Matapang na saad ni Don Mariano habang nakatingin kay manuel.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now