Kabanata 7

44 9 0
                                    

"kamusta pala ang iyong paa?" Napatingin ako nang itanong niya iyon.

Nasa hardin kami ngayon at naglalakad lakad, kaya naman nagulat ako nang itinanong niya iyon.

"A-ang ibig kong sabihin, kamusta na ang iyong paa. Hindi ba inakyat mo nakaraang gabi ang pader.....h-hindi kaba napilayan?" Tanong niya, marahan akong tumawa.

"Ano ka ba, kayang kaya ko iyon. Wala akong galos o pilay.....salamat sa pag......aalaala" ngiti ko.

Tahimik lamang kami naglalakad, hanggang sa nakarating kami sa dulo ng hacienda. Naisipan naming pumunta sa lawa sa likod ng hacienda Dela cruz.

Naupo kami duon at tahimik pinagmasdan ang paligid.

Napatikim ako bago mag salita "Ikaw ba may nagugustuhan?" Iyon ang lumabas saaking bibig.

Hindi siya sumagot at iniyuko lang niya ang kaniyang ulo. Ayaw niya ikwento napahiya ako dun, parang kausap ko hangin.

Tahimik lang siya at talagang wala siyang balak sagutin yung tanong ko or baka naman masyadong personal.

"Ayos lang kung hindi mo ibig ikwento–"

"Meron" agad akong napatingin sakanya at tila ba bigla nalang ako nalungkot. Napaka swerte naman ng babaeng iyon.

"Meron, akong nais ligawang binibini ngunit. Nalaman niyang ipinagkasundo ako kung kaya't itinigil ko na ang panliligaw ko sakanya" dagdag niya.

" 'wag kang mag alala hindi ko din nais itong kasal na ito" ngiti ko sakanya "gusto mo bang tulungan kita sa binibining iyon?"

Ngumiti lamang siya saakin "hindi na, mapapahamak ka sa gagawin mo, masisira pa ang pagkakaibigan ng ating mga magulang" tugon niya.

"Binibining Isabel, ikaw ba? May nagugustuhan ka ba?" Tanong naman niya.

"Ako? Wala never akong nag ka roon ng jowa ay este Nobyo....oo" ngumiti ngiti lang ako sakanya. Tumango naman siya, pero halata sa itsura niya na naguguluhan siya sa sinabi ko.

"Wala akong nobyo lagi lang kasi akong nakakulong sa aking silid" paglilinaw ko, totoo naman lagi lang ako sa bahay or sa school.

Tumango tango lang siya. Muling natahimik kaming dalawa at wala nang naglakas ng loob mag salita.

Kaya naman napagdesisyonan nanamin na bumalik na sa hacienda, hindi pa man kami nakakalakad pabalik sa hacienda. Bigla namang ulan malas naman.

Agad kaming sumilong sa puno na hindi kami mababasa, kanina ang init init ngayon naman uulan hays.

"Ito isabel ilagay mo sa iyong ulo upang hindi ka mabasa" abot niya saakin ng kaniyang coat. "Ngunit paano ka?" Nagaalala din ako baka magkasakit naman siya.

"Huwag kang mag alala saakin, mas mabuting hindi ka mabasa.....halikana" ngiti niya saakin, kaya naman tinanggap ko ma at inilagay ko nga sa ulo ko iyon at parehas kaming tumakbo papunta sa likod ng hacienda.

"Dios mío, bakit naman kayo nag-pabasa sa ulan?" Salubong ni Manang lucing, "sandali ako ay kukuha lang ng pamunas" dali daling kumuha si Manang Lucing ng pamunas.

Ibinigay niya saakin at kay Manuel, hindi naman ako basang basa dahil sa Coat na ipinahiram niya, kaya siya ngayon ang basang basa.

Napatingin kaming lahat nang marinig si Doña remedios, "ano ang nangyari? Bakit basang basa kayo?" Agad siyang lumapit saamin.

"Naabutan po kami ng ulan" sagot ko.

"Ginoong Manuel maligo ka na may mga ipapahiram muna ako sa'yong mga kasuotan ni Gervasio kaibigan mo naman iyon" ngiti ni doña Remedios, "sandali at ako ay kukuha lang.....anak maligo kana halikana sa taas" tawag niya sa'kin at sumunod na ako.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now