Kabanata 8

52 10 0
                                    

Hindi namin mahanap sina Doña remedios at Laura kaya naman niyaya kong bumalik nalang sa may bangka at hinatayin nalang sila.

Nakakapagod din dahil naikot nanamin ang buong palengke hindi pa namin sila nakikita.

Naupo kami sa mga bato at nakatanaw sa dagat, kumuha ako ng maliit na bato saka inihagis sa malayo.

"Ikaw naman, palayuan tayo ng bato" wika ko sakanya.

Ibinigay ko ang bato sakanya, kinuha niya iyon saka inihagis. Mas malayo ang paghagis niya ng bato.

"Mag wish kana" saad ko "wish?"

Hindi paba uso ang salitang wish?

"Humiling kana" ulit ko, pero naguguluhan padin siya. "Sabi kasi nila kapag maghahagis ka ng bato tapos kung sino ang pinaka malayong bato eh pwedeng humiling" paliwanag ko. "Sa tingin mo ba, magkakatotoo?" Tanong niya.

"Depende, kung masama talagang hindi pero kung mabuti yung hinihiling mo eh baka naman mag katotoo" ngiti ko sakanya. Napaiwas siya ng tingin saka ipinikit ang mata.

Ano kaya wish niya?

Pero kung ako ang tatanungin eh sana ay matapos namin ang misyon namin ni Cassandra.

Matagal kaming nag antay ni Manuel, mas lalo ko siyang nakilala dahil madaldal din siya tulad ko kaya namn panay tawa lang kami parehas.

Hanggang sa dumating na sina Doña remedios at Laura, tinutulungan muna ni Manuel sila na isakay ang mga napamili at sumunod kaming sumakay sa bangka pabalik sa San Teodoro. Nag paalam na din si Manuel nang makarating kami sa daungan ng bangka.

Pagkauwi namin ay naupo kami parehas ni laura sa salas, nakakapagod din ang araw na ito hindi pa man nag gagabi pero inaantok na ako.

"Mukha yatang nag kakamabutihan na kayo ni Ginoong Manuel" napamulat ang mata ko nang sabihin iyon ni Laura.

"Huh? H-hindi ba d-dapat ganon naman talaga a-anong masama duon?" Nauutal na tanong ko.

"Wala akong sinasabing masama, kasi kanina habang papalapit kami sa inyo, sobrang saya ng mga mata ninyo parehas kaya naman laking tuwa ni ina nang makita kayong nagkakausap ni Ginoong Manuel" nakangiting sabi ni Laura.

"Ngapala si Kuya Gervasio ay uuwi galing Europa, sa susunod na linggo" excited na sabi ni Laura, I'm confused.

Hindi ba tatlo lang kami, may kuya sila?

"Si kuya Gervasio ba ay kapatid natin?" Tanong ko sakanya, "Oo parang ganon na nga, nakalimutan mo na ba? Kapatid ni Ama ang ina ni Kuya Gervasio kung kaya't parang kapatid na din ang turing natin sakanya" paliwanag ni laura.

Ah so Pinsan.

"Alam ko naman iyon" ngiti ko para di halata na hindi ko alam.

"Kumain na muna tayo mga anak" anyaya ni doña Remedios saamin, tumayo na kami parehas saka pumunta sa hapag kainan.

"Si Ama po ba ina kailangan babalik?" Narinig kong tanong ni laura.

"Ang sabi niya saakin ay sabay na lamang sila ng kuya Gervasio ninyo na uuwi dito sa San Teodoro" sabi ni Doña remedios.

After kumain ay tumulong na ako sa pagliligpit at si Thersa na daw ang mag huhugas. Gusto ko pa naman mag hugas ng plato.

Somewhere In My Past.Onde histórias criam vida. Descubra agora