Kabanata 25

16 1 0
                                    

Nagising ako sa ilalim ng kahoy at dahon, napapalibutan ng pamilyar na bahay kubo ni Manang Guana. Hindi ko maunawaan kung paano ako napunta dito. Ang huli kong naalala ay ang hapdi ng mga bala ng baril habang bumabagsak ako sa lupa. Tanong sa isip ko, "Ano ang nangyari? Paano ako napunta rito?"

Pumikit ako, iniisip ang mga pangyayari, at nagtataka kung ito ba ay panaginip o totoong nangyari.

Binuksan ko ang aking mga mata, at doon ko naisip na tila ba ang bahay ni Manang Guana ay isang taguan mula sa mundong puno ng panganib.

Tinatangkang buksan ang pintuan, isang malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa akin, nagdadala ng kakaibang kapayapaan na tila ba nakakalimutan ko ang takot sa paligid.

Habang lumalakad ako palabas ng bahay, nag-aalab ang curiosity kung paano at bakit ako napadpad dito.

"Gising ka na pala" bungad saakin ni manang guana.

"Pa-paano po ako napunta dito?"

"Mahabang kwento hija, kumain kana muna. Naghanda ako ng makakain mo" Sabay turo sa upuan at sinasabing maupo na ako.

"Sino ka po ba talaga?" Tanong ko ngunit nag kibit balikat lang siya.

"Ilang araw ka din tulog, kamusta ang iyong sugat?" Pag iiba niya ng usap.

"Po? Ilang araw po akong tulog?"

"Isang buwan kang nakaratay sa kama na iyan, siguro ay dahil sa tinamo mong mga sugat" saad niya. Nagulat ako sa sinabi niya.

Isang buwan?

Isang buwan akong walang malay?

Ano na kaya ang nangyare?

" Pagkatapos mo diyan ay magtutungo tayo sa palengke kung kaya't ako ay samahan mo" wika ng matanda at tumalikod na siya saakin.

Gaya ng sinabi niya ay pagkatapos kong kumain ay pumunta kami sa palengke para bumili ng lulutuin.

Habang kami ay namimili, napalinga ako sa kanang bahagi ng palengke napansin ko ang isang babae na kamukhang kamukha ni Felicidad.

"Manang sandali lamang po" saad ko hindi ko na inantay ang sasabihin ni manang guana dahil baka mawala si felicidad.

Agad ko din siyang naabutan at hinawakan ang braso niya. Napalingon din siya saakin hindi ko maintindihan ang expresyon ng mukha niya.

"F-felicidad? Nasaan sina Cassandra?"

"Isabel? Tulungan mo ako"

"Ha? Bakit? Teka saan kaba pupunta?" Naguguluhan na ako dahil hindi ko siya maintindihan.

"Felicidad" napalingon ako sa likod ko nang marinig ang boses ni manang guana.

"Kilala po ninyo siya?" Tanong ko.

"Matagal din kitang hinintay.... Dito pa tayo magkikita" seryosong wika nito.

"Guana, pwede ba hayaan mo na ako!"

"Felicidad Hanggang kelan mo itatago ang nagawa mong kasalanan?"

Kasalanan?

Ang alin?

Anong kasalanan?

"Walang katotohanan ang iyong sinasabi!" Sigaw niya.
Napatingin ako sa gilid nang makita ko sina Cassandra agad silang tumakbo papunta saamin at niyakap sila.

"ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo!"
Nagulat kami ng marinig ang sinabi ni manang guana.

"Ano'ng sinasabi mo?" Bakas sa tono na pananalita ni Felicidad ay natatakot siya.

Somewhere In My Past.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora