Kabanata 19

33 6 1
                                    

HINDI ko alam ang gagawin ko ngayon, hindi ako makatulog hindi din ako mapakali ay ewan ko ba.

"Saan kayo nagtungo ni Ginoong Manuel at bakit kayo ay ginabi na?" Halos mapatalon sa gulat si Isabel ng magsalita si Laura.

"W-wala— wala n-naman nag ikot-ikot lamang kami" pinilit kong ngumiti dahil baka mahalata niya na ang sisinungaling ako.

"Ah ikaw ay kanyang inilibot" ngumiti siya nang parang ineechos ko siya, tumango tango siya saka unting-unti itong umalis.

Napahinga ako ng malamin saka tumingala, isang malamig na gabi kaya ng umihip ang marahang hangin ay napayakap nalang ako sa sarili ko.

"Tila yata hindi ka rin makatulog" napatingin ako sa likuran ko, napatitig ako saglit sakanya dahil sa suot niyang puting kamiso at ang kaniyang buhok ngayon ay magulo na siyang lalong nakakadagdag ng kagwapuhan ni Manuel. Napaiwas ako ng tingin dahil kanina ko pa pinipilit huwag siyang titigan.

Hindi na ako nag salita pa, nagulat naman ako ng tumabi siya sa tabi ko, "g-gabi na ah b-bakit n-andito ka?"  nauutal kong sabi, pinapaalis ko na siya baka mamaya makita niyang namumula ang pisngi ko.

"Ikaw bakit narito ka?" Balik niyang tanong.

"eh hindi ako makatulog nga diba"

"Ganon din ako" sabay ngiti niya saakin, umiwas ulit ako ng tingin at tumingala muli.

Napatingin ako muli sakaniya ng tumayo siya saka inilahad ang kaniyang kamay sa harap ko, nagtataka akong tumingin sakaniya.

~Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong
Langit na ata
Ikaw ang kasama~

"Maaari ba kitang maisayaw?" Sabay tingin deretso saaking mga mata. Tumayo naman ako saka tinanggap ang kamay niya, inilagay niya ang kaniyang dalawa kamay sa aking bewang at ang aking kamay naman ay ipinatong ko sa kaniyang balikat.

~Sa titig pa lang, tunaw na
Hawak sa kamay
Wala na akong palag sa
Ay, pag-ibig na ata~

Isinandal ko ang aking ulo sakanyang balikat saka ko ipinikit ang aking mga mata at pinapakiramdaman ang nasa paligid.

~Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay~

~Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan~

KINABUKASAN nagising ako sa tilaok ng manok, ako palang ang gising kaya nag punta na ako sa kusina para mag luto ng uulamin namin ngayong umaga.

Pritong isda at itlog saka nag sangag ako ng kanin, may mangga din kaya sinamahan ko na din.

Sakto naman ng matapos na ako mag luto ay gising na din sila, "mukhang masarap ang umagahan natin ngayon, Sandali aking tatawagin sila" wika ni Laura.

Kumain na kaming lahat pagkatapos si cassa na ang nag hugas ng plato, nag punta kami sa Ilog upang mag laba ngayon. Kasama ko sina Elena, Cassa, theresa at laura si felicidad ay naiwan sa bahay siya daw ang mag lilinis roon.

"Kailan ba tayo makakabalik sa San Teodoro?" Napatingin kami kay elena ng itanong niya iyon.

"Hindi pa natin alam ngunit gumagawa na ng paraan sina Ginoong manuel upang maitakas ang ating mga magulang, ang balita ko ay binihag sila ng mga rebelde sa Bundok" mahinang sabi ni Laura.

"Sana pinapakain sila ng maayos duon" wika ni Cassa.

Nag simula na kaming mag laba, panay tawanan at kwentuhan lang ang inaatupag namin at minsan naman ay nakikipagbasaan pa si Cassa dahil may mga bata na naliligo sa ilog.

Napalingon ako ng may babaeng dumating medyo malayo pa siya at papalapit din saamin kung nasan kami. Matangkad na mapayat, mestiza at Mahaba ang buhok niyang kulot mukhang anak mayaman at dalaga pa.

"Magandang Umaga mga Binibini, maaari ba akong makahiram ng inyong palanggan" gamit ang malambing niyang boses. Napatingin silang lahat sakanya.

"Pero kung hindi pa man kayo tapos–––" hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin ng mag salita si Elena.

"Amora? Ano at naririto ka sa Iloilo, batid ba to ng iyong ama?" Nag aalalang tanong ni elena.

"E-elena?!" Napayakap siya kay elena maging si elena ay nagulat din.

"T-tumakas lamang ako kina ama at Ina ngayon ay naninirahan kami ni Lucas dito" wika niya.

"Ang akala ko ay hindi na natuloy ang inyong kasal?" Muling tanong ni elena, may asawa na siya? Bakit mukha pa siyang bata tignan.

"Mahabang kwento, hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip namin at ginawa namin ang bagay na ito, ngunit hindi ako nag sisi pagkat siya naman ang kasama ko" nakangiting sabi niya.

"Ito maaari mong hiramin, kumain kana ba? Nasaan si lucas?" Wika ni Elena.

"Sa ngayon ay nasa trabaho pa siya, masyadong strikto ang kanilang amo kaya minsan ay ginagabi na ng uwi si Lucas" paliwanag niya.

"Ikaw ba ay kumain na?" Tanong ni elena, hindi sumagot si Amora, "sumama ka na muna saamin pagkatapos mo diyan" wika ni elena, ngumiti naman si Amora at nag pasalamat.

KINABUKASAN nagising kaming lahat ng Ginising kami ni Theresa na pinaghahanap kami ng mga rebelde at alam na nila kung nasaan na kami. Nais nila kaming patayin agad naman kaming tumayo at inayos lahat ng gamit saka dali dali kaming lumabas pero huli na dahil nahuli na kami ng mga rebelde.

"Pakawalan ninyo kami!" Matapang na sigaw ni Manuel.

" 'wag na kayong manglaban kayo din ang masasaktan, sumunod na lang kayo" sabay ngisi, Matangkad at moreno.

Ang mga tao ngayon ay nag kakagulo na dahil sa pagdating ng mga rebelde, nagulat kami ng bigla nila kaming tinakloban ng itim saka isinakay kami sa kalesa.

Kailangan namin makatakas sa lalong madaling panahon sigurado ako na papatayin din nila kami at ayoko mangyari iyon.

Kailangan naming makaalis sa kamay ng mga rebelde gagawin namin ang lahat makaalis lang kami dito.

****************

Bibitinin ko muna kayoooo sorry naaaa sa susunod uliiii sobrang busy langggg :(

Featured song: Unang sayaw by Nobita.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now