Kabanata 10

45 9 0
                                    

NANG magutom ako ay bumalik na din ako sa hacienda, sympre inakyat ko nanaman yung mataas na pader duon.

Pagbaba ko laking gulat ko nang lumingon ako sa kaliwa ko na makita si Theresa. Nagkatitigan kami parehas dahil sa gulat, malapit lang siya saakin.

Nang akmang sisigaw siya ay agad kong tinakpan ang bunganga niya.

"Huwag kang maingay, ako ito si Isabel" mahinang sabi ko. Mas lalo siyang nagulat nang malaman niya na ako ito.

"Binibining Isabel? An-anong ginagawa mo?! S-saan ka galing?" Natatarantang sabi niya.

"Wala may pinuntahan lang ako, pakiusap pwede bang 'wag mo akong isumbong ah" pagmamakaawa ko.

"S-sige po" hinila ko siya at pumasok kami sa lihim na daan, mas lalong nanlaki ang mata niya nang pumasok kami duon.

"Theresa maaari bang wala sana makaalam ng bagay na ito" ngumiti naman siya at itinaas ang kanyang kanang kamay parang nangangako.

"Opo señorita, wala pong makakaalam" ngumiti siya saakin.

KINAGABIHAN tumulong na ako sa pagluluto para sa hapunan, Kaldereta ang niluto ko. Recipe ito ni mama kaya naman talagang sinarapan ko.

"Napakasarap naman ang niluto mong Kaldereta anak, talagang pinaghahandaan mo na ang pag aasawa" natawa naman ng bahagya sila. Nagluto lang asawa agad. Jusko.

"Tayo na po at kumain" pag iiba ko nang usapan, nag pray muna kami bago kumain.

Narito sina Gervasio, Laura, Natasha at Doña remedios. Nasa maynila padin sina Don Mariano at Don Alejandro.

"Kuya Gervasio, bakit Hanggang ngayon ay wala ka padin nobya?" Tanong ni laura. "Madami akong ginagawa kung kaya't wala akong oras sa mga bagay na iyan" sagot niya.

Madami pa silang pinag-usapan pero hindi na ako nakinig pagtapos namin kumain ay uminom lang ako gatas saka umakyat na sa taas.

Tanghali na nang magising ako dahil nasarapan ang tulog ko.

Agad akong naligo at nag bihis saka nag ayos ng mukha, simple lang ang suot ko ngayong baro't saya, kulay gatas ang baro at ang saya.

Dumiretso agad ako sa Kusina, may nakalimutan kasi ako duon kagabi hindi ko na nakuha dahil tinamad na ako. Laking gulat ko nang makita si.

Manuel......

Anong ginagawa niya dito?

Shemay!

Napatikim siya bago nag salita "magandang umaga binibini " medyo matagal ko siyang tinitigan, bigla akong natauhan kanina papala ako nakatitig sakanya.

"A-ahh a-ayos l-lang a-ako"Sheshh bat Ka nauutal umayos ka nga, Ngumiti ako at bumalik na sa Hapag kainan.

Hindi pa pala sila nag aalmusal, kaya kumain kami, nasa tabi ko si Laura at sa kanan namsn si Natasha. Katapat ko si Manuel kabati niya si Gervasio. Si Doña remedios naman ay mayroon daw pinuntahan hindi ko alam kung saan.

Bago kumain ay tinignan muna ako ni manuel saka ngumiti at kumain.

Lakas ng tama.

"Kamusta naman amigo ang iyong pag aaral?" Tanong ni Gervasio.

"Ayos naman, sa susunod na linggo ay babalik na ako sa Maynila upang ituloy ang pag aaral ko." Paliwanag niya. Yes aalis na din siya.

"Kung ganon ay maiiwan si Isabel?" Tanong muli ni Gervasio.

"Hindi siya maiiwan, isasama ko siya pagkat duon ako inilagay ng punong madre dito sa San Teodoro- sa kumbento ng maynila kung saan naroon nag aaral si Isabel" Napatingin ako kay Natasha nang sabihin niya iyon.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now