Kabanata 16

40 8 0
                                    

Nang dumating sila ay sinalubong ko sila pero laking gulat ko nang bigla nila ako sinampal at napaupo nalang ako sa sahig.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang sakit nang sampalin ako ni Don Mariano.

"Dios mió, Mariano! Mag hunos dili ka!" Suway ni Doña remedios. Lumapit siya saakin saka inalalayan akong tumayo.

"Mabuti nalang at hindi pa ito nalalaman ng pamilya teodoro ano nalang ang sasabihin nila sayo?!" umalingaw-ngaw ang sigaw ni Don Mariano sa buong paligid ng mansion.

"Isa pang malaman ko na may relasyon ka sa lalaking si Fernando na anak ng mga Conception masasaktan ka talaga! ¡¿Comprendido?!" Sigaw niya, "opo" sagot ko agad.

Umakyat siya sa taas saka binalibag ang pinto, napaupo nalang ako sa kaba ko buong buhay ko hindi ako sinasaktan nila mama at papa. Grabe ang kaba ko nang masampal ako nang ganon kalakas.

"Umakyat kana muna sa itaas nag magpahinga ka na muna" wika ni Doña remedios, inalalayan niya akong umakyat hanggang sa makarating sa silid.

"Magpahinga ka na muna dadalhan na lamang kita ng iyong makakain" malambing niyang wika, ngumiti siya saka isinarado ang pinto.

Inihiga ko muna ang aking sarili, hindi ko namalayang nakatulog na ako.

KINABUKASAN ay naramdaman ko ang lamig ng paligid dahil maulan, kaya sinisipon na ako. Naligo at nagbihis ako saka nag ayos, bumaba ako para kumain.

Nang araw na iyon ay pinagod ko ang sarili ko sa pagtulong dito sa bahay, bukas pa ako babalik sa maynila.

Mas lumala ang sipon ko dahil, naambunan ako kanina, pero wala to ambon lang to.

Pagkatapos namin kumain ng gabi ay ako na ang nag hugas ng plato, panay bahing na ako nang bahing. Pagkatapos ko mag hugas ng medyo inaantok na ako dahil sa sipon ko kaya umakyat na din ako.

Pagkagising ko ay sobrang init ng pakiramdam ko, para akong may lagnat ngayon. Ngayon pa maman ang alis namin patungo sa maynila.

Dahan dahan akong, tumayo ako nang marinig katok sa pintuan ko, nang buksan ko ay bigla nalang nandilim ang paningin ko at wala na akong marinig, pero namukhaan ko bago ako mawalan ng malay ay si Manuel iyon.

Nang imulat ko ang mata ko ay sina Laura, Doña remedios at ang Doktor na tumitingin saakin, sa gilid ng kama ko si Manuel nanduon nakatayo at halatang nag aalala.

"Hija mag pahinga ka na muna, at kumain ka ng gulay para bumalik ang lakas mo" bilin ng doktor.

"Sige maiwan ko muna kayo, babalik ako bukas ng umaga para tignan kung bumaba na ang lagnat niya, at ito ang inumin niyang halamang gamot" bilin ng doktor saka siya umalis.

Lumabas muna sina Laura at doña Remedios kaya kaming dalawa lang ni Manuel ang naiwan.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya. "Hindi ako mapakali simula nung umalis ka nung isang araw, kaya sumunod ako sayo. Nabigla ako kaninan nang mawalan ka ng malay mabuti nalang at naroon ako" wika niya.

"Si Cassandra?" Tanong ko sakanya.

"Nag paiwan siya sa maynila, anong nangyari sainyo?" Tanong niya, hindi padin kami pala nag uusap ni Cassandra simula nung nag away kami.

"Mahabang kwento" sagot ko.

"Magpahinga ka na muna padadalhan ko siya ng liham" saad niya saka, lumabas muna siya.

Buong araw akong nakahiga dahil sobrang bigat ng ulo ko, panay ubo pa ako ng ubo at bahing ng bahing, si Manuel ang kasama ko dahil sina Doña remedios ay kumuha ng mga halamang gamot at si laura naman ay nasa kucina para maghain ng makakain ko.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now