Kabanata 9

53 10 0
                                    

"ansabe ba sayo ni Felicidad?" Tanong ni Cassa, nasa balkonahe kami ng aking kwarto kaming dalawa.

"Gumawa daw tayo ng paraan kung paano natin makakausap si elena, tapos habang sinasabi niya yun galit siya, i mean sa tono niya" Sagot ko.

"Tama ba na mag tiwala tayo sakanya" bigla kong tanong, "huh? Eh diba siya nag dala sa'tin dito so dapat tayo mag tiwala" tugon niya.

"Pero kasi– nevermind"

Napatingin kami parehas nang may kumatok sa pintuan, tumayo ako para buksan. Si Laura.

"Ano iyon ate?" Tanong ko sakanya, pinapasok ko muna siya at pinaupo.

"May nagsumbong na guardian civil, ang sabi ay may pumana sakanila dahil may mga tama sila sa likod" panimula niya.

Napaiwas ako ng tingin, hindi ko na alam ang gagawin ko siguradong makikilala nila ako kapag nag pakita ako kaya minabuti ko nalang silang panain at hindi ko din Papayag na magahasa yung babae.

Akala ko napatay ko sila.

"Ang sabi ng isang guardian civil na nakaligtas, babae daw ang pumana sakanila" hindi naman ako nagulat nang sabihin niya iyon.

"Hindi daw niya mamukhaan dahil may balabal daw, dahilan para matakpan ang kaniyang mukha" dagdag pa niya.

"Pinasasabi pala ni ina na baka mapaaga daw uwi ni kuya Gervasio baka hindi na sila magkakasabay ni ama" saad niya, "ah ganon ba mabuti kung ganon"ngiti ko.

Pagtapos niyang sabihin iyon ay umalis na din siya saka namin isinarado ang pinto.

"Cassa, may sasabihin ako.....pero please tayong dalawa lang makakaalam" pagmamakaawa ko, kailangan niya malaman yung ginawa ko.

"Ano ba iyon?"

"Ako ang pumana sakanila" tugon ko, nagulat siya akmang sisigaw siya ay agad kong tinakpan ang bunganga niya.

"Sabi ko huwag kang maingay!" Diin na sabi ko. "Nagulat ako eh, bakit? Bakit mo ginawa iyon?" Tanong niya.

"Tinulungan ko yung babae balak nilang gahasain, buti nga hindi ko sila napatay." paliwanag ko sakanya.

"Hindi ko na din alam gagawin ko" napaupo naman ako sa kama ko. "Paano ka natutong mamana?" Tanong niya.

"Si daddy ang nag turo saakin, pati sa mga self-defense na'yan si daddy ang nag tuturo" tugon ko.

"Paturo ako minsan babaita" excited na sabi niya.

As usual mahaba haba ang aming napag usapan ni Cassa, kaya natagalan din siya dito sa bahay.

Wala akong masyadong ginawa buong araw kaya boring na boring na ako. Sinasampal sampal ko na ang sarili ko habang nakahiga sa kama.

Napatigil ako nang biglang pumasok sa isip ko ng itsura ni Manuel habang nakatingin ako sa kisame.

~Nakatitig sa kisame
Kakaisip kung pa’no sasabihin sa iyo
Na gusto
Gustong-gusto kita.~

Paano na ba ito? Hindi ko na alam ano ba.
Gusto ko ba talaga siya? Ang hirap naman.

~Hindi na kita
Maalis sa isip ko
‘Di maikaila
Na ikaw ang tahanan ko~

Hahayaan ko muna itong pakiramdam na ito, mas magandang wag ko na munang isipin ang mga walang kwentang bagay bagay, kailangan namin mag focus sa misyon namin ni Cassandra.

"Anak, nariyan si Ginoong Manuel" narinig kong sabi ni Doña remedios. Napatayo ako at lumapit sa pinto.

Ano idadahilan ko? Ayaw ko siyang harapin ngayon ano bayan itong lalaki na to lagi nalang nandito.

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now