Kabanata 3

87 10 0
                                    

NASA Kwarto ako ngayon, nag aayos ng mga gamit ko nanakalagay sa tampipi at Inilagay ko sa aparador lahat ng damit ko puro magagarbo ang mga damit na baro't saya.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Sino iyan?" tanong ko

"ang iyong kapatid si Natasha"ani niya.

"Tuloy"

at pumasok na siya tumabi naman siya saakin habang ako'y nag titiklop ng mga damit.

"kamusta sa Maynila?" tanong niya.

"Ayos naman" sabay ngiti ko sakanya.

"eh kamusta naman kayo ni Fernando?" tanong niya, TF? Sino yun?

"Huh?!.si Fernando??.... A-ayos lang" i lie kahit hindi ko naman kilala talaga.

"Anong ayos lang?" tanong niya, naguguluhan na siya siguro sini ba kasi yun?

"Ah hindi ko alam, wala akong balita sakanya" palusot ko.

"Ganoon ba? Talaga ba na hindi mo na siya minamahal?" May halong bahid ng lungkot sa sinabi niya.

TF! sino ba iyon jowabels ba yun ni isabel sa panahong to?

"Kahit na kagwapuhan pa siya Ayoko muna mag boyfriend" napatakip ako sa bibig ko nang sabihin ko iyon. Shit ano bayan.

"A-ano boy..prend?...ano ang iyong tinurang salita 'di ko mawari?"

"Ah ibig kong sabihin...Ayoko pa mag ka relasyon" ano bayan Isabel, muntik ka na mapahamak.

"Ganon bayun? ayan ba natutunan mo sa maynila ang salitang boy...pren?"

"ah isa iyong ingles nasalita"sabi ko

"Teka marunong ka nang magsalita ng wikang ingles, ang pagkakaalam ko ay hindi itinuturo iyon sa kumbento?" Nagtataka niyang tanong.

"Ah huli kana sa balita nabago na- ay este Oo ganon talaga" sabay ngiti ko sakanya.

"kay galing mo talaga aking kapatid" puri niya.

"Oh siya sige, magpahinga ka na, pupunta tayo sa pamilya Teodoro bukas sabi ni ama" ngumiti muli siya saakin at saka ito lumabas ng kwarto.

Ibig sabihin magkikita na kami ni cassa bukas! Yey

***

KINABUKASAN nagising ako sa ingay ng babaeng gumigising saakin.

"binibining Isabel gumising na po kayo"

"Ano ba!" Iritang sabi ko.

"binibining Isabel gumising na po kayo pinasasabi ng iyong ama na aalis daw po kayo ngayon"sabi niya, dahilan para mapabangon ako.

Andito padin ako...andito padin ako sa past...

"Kayo po ay mag handa na, nag painit na din po ako ng tubig na inyong gagamitin panligo." Wika ng batang babae.

"Nakahanda na po ang inyong mga damit sa Banyo kung kaya't tutulungan ko po kayo" ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Naku hindi na tatawagin nalamang kita kapag tapos na ako at tulungan mo nalang ako sa pag suot ng baro't saya ko mamaya" tugon ko, Tumango naman siya at aambang aalis na

"Teka" pigil ko sakanya.

"may kailangan pa po ba kayo?"

"Ilang taon kana?"

"kinse po" sabi niya, nanlaki ang mga mata ko kinse hindi ba 15 years old na siya apaka bata pa niya para manilbihan.

Nung edad kong kinse ay panay pag si-cellphone lang inaatupag ko, tapos siya nag tra-trabaho na?

Somewhere In My Past.Where stories live. Discover now