61. Liwanag Mula Sa Kadiliman

90 18 0
                                    

Sa mundong ito, hindi lang ikaw ang nahihirapan.

Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran; may mga taong nakangiti ngunit, sa likod nito, may mabigat na pasan.

Nahihirapan rin sila, ngunit mas pinili nilang lumaban.

Bahagi ng buhay ang kahirapan; ngunit, kung susuko ka, ay doon mo isuko sa Maylalang.

Maaaring wala ako sa iyong kinalalagyan, at iisipin mong hindi kita naiintindihan; ngunit, hindi nagbibigay ang Diyos ng pagsubok na hindi mo malalagpasan. Kaya naman, magtiwala ka lang.

Ang iyong karanasan ay gawin mong buhay na patunay para sa mga taong nawawalan na rin ng pag-asa at naghahanap ng tagumpay.

Mula sa kadilimang minsan mo na ring kinalagyan, nawa'y liwanag ang kanilang masumpungan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon