37. Walang Hanggang Pag-iibigan

230 32 0
                                    

"Ipakita natin na hindi guhit ng palad ang magdidikta ng ating hangganan,
Kundi ang mga puso natin na siyang tunay na magtatakda ng ating walang hanggang pag-iibigan."

'Walang Hanggang Pag-iibigan'

Ipakita natin sa kanila kung gaano katibay ang ating mga puso.
Paglaruan man tayo ng kapalaran at mundo,
Maging masalimuot man at magulo,
Na kahit nasa mga mata natin ay may mga luhang tumutulo, magpapatuloy pa rin tayo hanggang dulo.

Hawakan mong mahigpit ang aking kamay.
Sabay tayong makikipagsapalaran,
at kahit na magkatawang-tao man ang kamatayan, hinding-hindi nila mapapasuko ang ating pag-iibigan.

Hindi man sumang-ayon sa atin ang kapalaran,
Ang mahalaga'y hindi tayo sumuko, bagkus ay lumaban.


Ipakita natin na hindi guhit ng palad ang magdidikta ng ating hangganan,
Kundi ang mga puso natin na siyang tunay na magtatakda ng ating walang hanggang pag-iibigan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon