49. Bukang Liwayway

170 30 0
                                    

Bukang-liwayway ng umaga ay nagbibigay pag-asa.

Kaya naman, bumangon ka at panghawakan ang liwanag nitong dala-dala.

Hangga't nagigising ka, makadadagdag ka pa ng makabuluhang pahina.

Patuloy mong panghawakan ang katotohanan.

Palagi mong ibuka ang iyong bibig sa katuwiran.

At ihasa ang iyong mga kamay sa paggawa ng kabutihan.

Panatilihin mo ang iyong mga paa sa matuwid na daan.

Mabuhay kang may tapang at kabuluhan.


Huwag kang papagapo sa dila ng kabulaanan,
na nagsasaysay ng mga bagay na walang katuturan.

Huwag kang matatakot sa banta ng kamatayan, kung ang tinitindigan mo naman ay ang katuwiran.

Hangga't ika'y nabubuhay, maging boses ka ng katotohanan.

Maaaring isipin mo na baka mauwi lang ito sa walang saysay, ngunit ang makapagbukas ng isipan ay isang kaloob na hindi mapapantayan,
na maaaring makapagbibigay ng tamang direksyon sa isang naliligaw na tupa patungo sa tiyak na kaligtasan.

Patuloy kang magpakasangkapan, at daigin ang kadiliman ng bukang-liwayway.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon