19. Naglaho

287 55 0
                                    

Mga patay na dahon na nalalaglag sa lupa,
Hanging umiihip sa timog patungong hilaga,
Mga pangakong binitawan mo nasa akin ay naging pana,
Sinabing babalik pa ngunit hindi na nagpakita.

Ang araw ay lumulubog at sumisikat, at nagmamadaling bumalik ulit mula sa sinisikatan nito.
Ngunit ang sakit na dulot mo, nanatili pa rin na nakabaon sa puso ko.

Nakalimutan mo na ba ang lugar kung saan tayo unang nagtagpo?
Doon tayo nangako na hinding-hindi susuko.
Ngunit bakit ako nalang itong nanatiling nakatayo, habang ikaw ay lumayo at tuluyan ng naglaho.

Kaya pala sinabing panghawakan ang mga salitang binitawan, sapagkat sa huli'y lalayo ka rin upang ako'y iwan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon