52. Papel At Tinta

173 28 0
                                    


Tila bagong kabanata:
Ang kamay ay patuloy pa rin na ihahasa sa papel at tinta.
Magbibigay pa rin ng magandang ani sa mga taong nasa panahon ng pagkabata.

Upang maipakita na may kabuluhan ang mga pinagkakaisang letra,
na maaari kang makabuo ng aral sa pinagsama-samang salita,
at maari mo itong maipunla sa bawat kaisipang makapagbubunga ng maganda.

Iyon naman ang mithi ng may akda:
ang magbigay ng inspirasyon at aral sa mga nakababata,
makapagbigay sa puso't isip nila ng pag-asa.

Na bawat kwentong kanilang mababasa, dumaan man sa matinding pagsubok, ay may liwanag pa rin na makikita, at aral na uugat sa kanila, at magbubunga ng maganda.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon