34. Huwag Pukawin Ang Pagibig

243 40 0
                                    

Huwag pukawin ang pag-ibig hangga't hindi pa nito ibig. Huwag hayaang mahulog sa mapaglarong isip at lason ng bibig.

Ang tapat na pag-ibig ay hindi katulad sa rumaragasang tubig, na hahayaan mo na lang na dalhin ka saan ka man niya ibig.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi maaaring sukatin sa pagpukaw lamang ng mga damdamin.

Ang tunay na pag-ibig ay may malinis na hangarin.

Kung hindi niya alam ang tunay nitong kahulugan hindi siya nararapat mahalin at pagbigyan.

Hindi ka manika na maaari niya lang paglaruan at isasantabi pagkatapos pagsawaan.

Ang iyong halaga ay katulad ng marupok na sisidlan na nararapat lang pahalagahan at ingatan.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon