62. Pusong Ikaw Lang Ang Ninanais

89 17 0
                                    

Hanggang kailan ipipilit ang tapat na pag-ibig sa pusong ikaw lang ang ninanais ngunit ipinagkakait?

Ilang taon bang magpupumilit? Ilang taon bang magsusumakit upang mapatunayan ko lang sa iyo na ang dulot ko ay pag-ibig at hindi sakit?


Ikaw lang ang palaging laman ng isip; sa'yo lang ang puso umiibig. Magkaroon man ng maraming pagpipilian, ay ikaw pa rin ang nais at hinahanap, maging sa panaginip.

Subukan mo akong mahalin, baka sakaling matutunan rin ng iyong damdamin. Subukan mo akong piliin, at ipapangako ko sa'yo na magiging tapat ako at hindi maglilihim. Ikaw lang ang mamahalin, maabot man ang hangganan natin.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon