27. Single

261 47 2
                                    

Ang pagiging single ay hindi sakit.
Kaya naman, huwag ninyo akong ireto kung kani-kanino at ipilit.
Hindi rin naman ako bubble gum para kung saan-saan nyo na lang idikit.

Ang panahon ngayon ay mahirap ng pagkatiwalaan. May mga taong ang tingin na lang sa pag-ibig ay libangan, kahit salitang "I LOVE YOU" nga pinamimigay na lang.

Kung hindi na tapat sa salitang binibitawan, ano pang aasahan at panghahawakan?

Maaaring hindi mo naiintindihan,
Ngunit hindi ganoon kababaw ang tingin ko sa pakikipagtipan.
Para sa akin, hindi iyon paligsahan, kaya bakit mo ako itutulak at pipiliting makipag-unahan? At hindi rin naman ako Running Man.

Maraming tao ang nasasaktan,
Dahil hindi sila marunong maghintay. Hindi naman ito paramihan ng kasintahan, masyado nilang minamadali ang mga bagay-bagay. Kaya naman iyong nais nilang panghabambuhay, palaging nauuwi sa hiwalay.

Maaaring hindi ko pa nararanasang magmahal, ngunit sapat na ang karanasan ng ilan. Hihintayin ko pa bang ako'y masaktan nang sa gayo'y aking matutunan?

Ayokong pumasok sa walang kasiguraduhan, na baka sa huli ay pagsisihan ko lang.

Mas mabuti na nga sigurong mag-isa na lang, kaysa pumasok sa isang relasyong sa umpisa pa lang wala nang patutunguhan.

Hindi ako naghahanap ng kalandian, ni kilig na panandalian.
Ang hanap ko yung taong kayang tumugon sa pananagutan, at hindi tinitingnan ang pakikipagtipan na isang laro lang.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon