15. Ako'y Iyo

323 60 1
                                    

Ako'y iyo, kahit na ika'y hindi akin.
Ako'y iyo, kahit na sa akin nalang na damdamin.
Katulad ng pako na matibay ang pagkakakapit, gayon ang aking pagtingin.

Ako'y iyo, kahit na ika'y hindi akin.
Ako'y iyo, kahit sa akin nalang na damdamin.
Sapat na makita ka upang maging masaya ang walang muwang na araw at maging maningning.

Ako'y iyo, kahit na ika'y hindi akin.
Ako'y iyo, kahit na sa akin nalang na damdamin. Sapat na nasa iisang araw, buwan, at bituin tayo nakatingin, malayo man ang pagitan natin.

Ako'y iyo, kahit na ika'y hindi akin.
Ako'y iyo, kahit na sa akin nalang na damdamin. Maglipas man ang mga araw na wala ka sa aking piling, ang pag-ibig ko sa iyo ay hindi magmamawaliw.

Ako'y iyo, kahit na ika'y hindi akin.
Ako'y iyo, kahit sa akin nalang na damdamin. Hayaan mo nang sumaya ako sa iyo, kahit na ika'y hindi sa akin.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon