Kabanata 10

760 43 3
                                    

Kabanata 10

Accidental Infidelity

"There are changes with some of the scenes, Miss El. I-be-brief lang sina Ryker sa mga changes pagkatapos ay pwede na po silang magpahinga." The assistant director smiled at me. Tumango naman ako at nakuha ang ibig nilang sabihin.

Gabi na nang makarating kami ng La Union. We'll be staying at a resort where they will also shoot the last part of the movie. Sina Direk Clemenso ay naghihintay na sa mga casts na darating doon sa lobby ng resort. Hindi kasi sabay-sabay ang pagdating ng mga artistang parte ng eksena. There are times were actors for the movie go together. Minsan ay kaniya-kaniya ring biyahe. Hindi naman lahat ng artista ay pare-pareho ng schedule.

"Miss Jenna, ano pong ginagawa rito ni Direk Valmorida? Is he going to be part of the last scene, too?" pahabol kong tanong bago pa makaalis ang assistant director.

"Kasama sa changes ng scene si Direk, Miss El."

Napatanga lamang ako. Pagdating namin ni Ryker sa lobby ay si Diego Valmorida agad ang una kong nakita. I thought I was seeing things when I saw him sitting with his legs crossed. Noong una ay nasa cellphone lang ang kaniyang tingin hanggang sa marinig niyang nakarating kami at bumaling na ang atensyon niya sa amin.

His eyes found mind but I immediately looked away. I carried my bag tightly as I walked towards the front desk. Nagtanong ako ng aming room number para makuha ko na ang aming susi. I'll be getting Ryker's room number too so I could put all his things in his room. Kaunti lang naman ang mga dala namin kaya kaya ko namang dalhin.

"Good evening, Miss Tuason." Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumabi sa akin. I even held my chest as I look up at the director.

"Good evening, Mr. Valmorida," I greeted as soon as I recovered from shock. Ngumiti ako sa receptionist nang ibigay na niya sa akin ang susi sa aming kwarto.

"Have you two had dinner? Pagkatapos ng briefing nila ay may dinner," aniya.

"We had sandwiches while on the way here." Bumaling ulit ako sa front desk. "Sorry, can I ask for help with our luggages?"

Ngumiti naman sa akin ang receptionist at nagtawag ng tulong. Meanwhile, I heard Director Clemenso called Diego Valmorida. Hindi ko na iyon pinansin dahil ibinigay ko pa sa bellboy ang mga gamit ni Ryker. He had two bags while I only carried one duffel bag with me. Ang iilang damit ni Ryker ay naroon pa sa aming van at bababa pa ako ulit para maiakyat iyon sa kaniyang kwarto.

Ang akala ko ay sasama si Diego Valmorida sa paglabas nila ng mga cast ngunit nagulat ako dahil nasa likuran ko pa rin siya. The other casts were already walking outside. Namataan ko pa si Ryker na kumukuha ng litrato ni Julia Vassel habang paatras na naglalakad. He was smiling while he took her picture.

Iniwas ko ang aking tingin at sinundan na ang bellboy patungo sa elevator.

"Do you want help with your bag?" untag ni Diego Valmorida sa aking likuran.

"I can handle it. Thank you very much. Shouldn't you go with them?" tanong ko dahil sunod pa rin siya nang sunod. We were almost inside the elevator.

"I already know the details but I'll follow them after. May kailangan lang akong kunin sa aking kwarto."

"Ah."

It was awkward while we waited for the elevator to stop. Ang sabi ni Miss Jenna ay nasa iisang floor lang naman lahat ng casts para sabay-sabay na kami kinabukasan. Ryker's room was on the left hall so we had to stop by there and put all his things inside. Nang lumabas kami ng bellboy, nagulat ako dahil nandoon pa rin si Diego Valmorida sa labas ng pinto.

Accidental Infidelity (Heartbreak Diary #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon