Kabanata 4

813 48 12
                                    

Kabanata 4

Accidental Infidelity

Pinaypayan ko ang sarili habang pinapanuod ang mga tao sa aking paligid. The people are hustling around, busy arranging things for the set. Others were preparing the casts for the next scene. Nilingon ko si Ryker na ngayon ay nakaupo kasama si Julia Vassel at ni-re-rehearse ang kanilang linya. We've been at the set since morning and it was already two o'clock in the afternoon. Mainit ang sikat ng araw ngayong araw kaya kahit wala akong masyadong ginagawa ay pinagpapawisan agad ko.

"Miss El, nakabalik na po 'yong driver ninyo," one of the staff approached me. Ngumiti ako at agad na nagpasalamat.

I walked and went towards Ryker and Julia Vassel. Una akong napansin ng huli at ngumiti sa akin. Nang hindi nakapagsalita si Julia ay napatingin si Ryker sa akin.

"Nakabalik na si Kuya Poy. I'll get the food. Kakain ka na ba o mamaya na?" I asked.

"We're almost done. Pwedeng dito na rin ako kakain. Julia and I will share the meal."

Tipid akong tumango. Lumabas ako sa mansyon na kasalukuyang ginagamit ng production team. Maraming tao sa labas dahil naroon ang iilang kasama ng ibang artista. Some were personal assistants, drivers and the likes. Tinungo ko ang aming van na ngayon ay nakaparada na kasama ang hanay ng iba ang mga van.

Sana pala ay ipinadala ko na lang sa loob, I thought as I walked towards the vehicle. We were told that we could use the mansion as long as we like. Basta ba't hindi naman masisira ang mga gamit kung sakaling gagamitin.

"Pupunta ka pa ba sa auction next week? Hindi ka pa naman busy no'n."

Kumunot ang noo ko nang may marinig mula sa labas ng van. I stepped out of it carrying two plastics of food. Sa isang kamay ko ay ang inumin at sa kabila naman ay ang pagkain ni Ryker. I don't eat together with him. Kapag nasa set, pili ang oras nina Ryker para kumain. Minsan nauuna ako, minsan nahuhuli. May pagkakataon na nagkakasabay kami kapag pinipilit niya ako. A lot of talent managers in the industry knew that I was Ryker's friend so they got used to seeing us comfortable with each other. Walang malisya naman iyon sa kanila kasi nga trabaho naman. Never naman kasi nilang nakita na sobrang sweet sa akin si Ryker kaya hindi naman nila ako tinutukso.

And for one, I don't act like I was madly in love with him. I work professionally.

I was busy checking for the food that Kuya Poy bought for us when I bumped into someone. Dumulas sa aking kamay ang isang plastic na naglalaman ng aming pagkain. The gasped that left my lips resonated in my ears as soon as a soft thud hit the ground. May narinig akong nagsalita pero hindi ko na iyon pinansin pa. Nagkukumahog na kinuha ko ang container ng pagkain na lumabas na sa plastic. Good thing the food in there did not slip out of the container.

"Are you okay?" a low voice asked as they bent down to help me get the plastic. Tumango ako kahit hindi tinitingnan ang nagsalita. Kinagat ko pa ang aking labi nang iniabot niya sa akin ang container na iyon.

"Is that food? May natapon ba?" the voice asked again with a concerned tone as I slid the container inside the plastic.

"It's fine..." Inangat ko ang aking tingin. At first, I was met with a pair of brown eyes. The next, my mouth is slowly gaping as I realized who the man was. His eyes lingered on me, his brows arching a bit.

My lips quivered as I gathered the words to say. "T-the food's fine, Sir. Thank you."

Dahan-dahan kaming tumayo. With the way he was towering over me, I can't help but crane my neck a bit. Ang tangkad niya kasi. It didn't help that his body was lean and muscular that it overwhelmed me.

Accidental Infidelity (Heartbreak Diary #1)Where stories live. Discover now