Chapter Twenty Three

14.6K 283 7
                                    

(Para kay abbhy29 thanks for the votes ^^)


--

-Trailor-

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area... please try to call later... the number-

"Fxcking sh.t!" naibato ko ang hawak kong cellphone sa sobrang frustration na nadarama ko ngayon. I cannot call Krisandra for damn sake!

"Kuya..." napalingon ako kay Felix. Malunglot ang mukha nito na parang sinisisi nito ang sarili sa mga nangyayari. Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga.

"Don't blame yourself Felix. It's not your fault" matigas na sabi ko dito. He keeps on blaming himself kahit wala naman siyang kasalanan.

"Pero kuya..."

"Stop" pigil ko dito.

"Kung meron mang may kasalanan dito... it's your mom. Masyado siyang nagpaka selfish. Paano niyang nagawang i-arrange marriage ako sa nag iisang anak ng mga Dela Vega?! She is not even my mom!" nanggigigil na utas ko.

"It's because of me kuya... kaya nagagawa iyon ni mama" depensa ni Felix sa mama niya.

"No... para sa sarili niya ang ginagawa niya. " madiing sabi ko. Kinuha ko yung mga susi ko at tinungo ang pinto.

"Kuya san ka pupunta?" tanong ni Felix. Sasagutin ko na sana siya ng may biglang umentrada.

"Oo nga. San ka pupunta Trail?" natigil ang mga paa ko sa pag hakbang ng may humarang sa daraanan ko. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko si Tita Rhea... kasama nito ang mga Dela Vega.

"Pupuntahan ko ang asawa ko..." matigas na sabi na siyang ikinagulat nila.

"Ano?!" dumagundong sa kwartong iyon ang malakas na boses ni ginoong Dela Vega.

"Hindi mo sinabing may asawa na tong si Trail, Rhealyn" galit na baling ni ginoong Dela Vega kay tita Rhea. Agad naman namutla sa takot si tita Rhea.

"W-wala siyang asawa Raul" nanginginig na sabi ni tita Rhea kay ginoong Raul Dela Vega. Parang wala namang narinig ang ginoo at naningkit ang mga mata nito.

"Pinag loloko mo ba ako Rhea?! Nanggaling na mismo sa bibig niya na pupuntahan niya ang asawa niya! Kailan pa kinasal si Trail?! hindi ka tumupad sa usapan!" nanggigigil na wika ng ginoo.

"Wala siyang asawa... this is all a misunderstanding!" depensa ni tita Rhea sabay bumaling sa akin ng tingin. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nag igting ang panga ko. Gaano kakapal ang mukha ng babaeng ito at may mukha pa talagang ihaharap sa akin? Ang hawakan ako? At ang mag maka-awa sa akin?!

"Oo..." panimula ko na ikinakuha ko ng mga atensyon nila. Isa isa ko silang tinapunan ng mga pahapyaw na tingin.

"Hindi kami kasal ni Krisan..." mukhang nakahinga ng maluwang si ginoong Dela Vega... pero hindi pa ako tapos sa sinasabi ko.

"Hindi pa kami kasal..." wika ko na binigyang diing ang bawat salitang binitiwan ko. Nanlaki ang kanilang mga mata sa tinuran ko pero wala akong paki alam.

"Kung may babae man akong papakasalan... si Krisandra Alejandro iyon, at wala na kayong magagawa pa doon." Hinakbang ko na ang mga paa ko paalis sa lugar na iyon at iniwan ko silang nakatanga doon.

Mula noon... wala na akong ibang inisip kundi ang pakasalan siya... at ang problemang ito ay hindi ako mapipigilang pakasalan si Krisan.

-Krisandra-

Pinatay ko ang gripo at tsaka ko hinagilap ang face towel at pinunas iyon sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin at tsaka ako napangiti ng mapait.

For the second timeWhere stories live. Discover now