Chapter Six

24.3K 378 10
                                    

—-

-Krisandra-

Isang normal lang na araw ito para sa akin. Gigising ako ng maaga... maliligo, mag bibihis, kakain at mag to-tooth brush at papasok sa University. Mag lalakad sa hallway para pumasok sa klase.

Pero hindi normal kung meron akong kasamang Trailor Ignacio.

"Hi misis ko!" nakangiting bati nito sa akin habang akbay akbay ako nito. Agad ko namang hinawakan ang braso nito at pinilipit ko iyon.

"Aray! Ouch! Fxck misis masakit! Aww!" humiyaw ito sa sakit. Hindi ko ito tinantanan kaya ito na mismo ang nag alis sa kamay kong pumipilipit sa braso nito. Tumingin ito sa akin bago ngumuso. Napatulala pa ako ng nakita kong ang pout ito.

He is just too damn cute!

"Ang brutal mo naman mahal! Kaya labs na labs kita eh!" nakangiting sabi nito at kumindat pa sa akin. Lalo lang akong nainis sa sinabi nito.

Anong tinawag nito sa akin? Mahal? Sino bang niloloko ng hinayupak na ito?

At ano? Mahal niya ako? Pakyu siya! Alam kong trip niya lang to! Drama tsk

"Oh natulala ka sa akin mahal? Alam kong gwapo na ako kaya wag mo ng pakatitigan ang gwapo mong asawa!" mayabang na sabi nito. Sinamaan ko siya ng tingin

"HAngin mo Ignacio... masyadong malakas baka magkaroon ng air pollution" kumunot ang noo nito pagkuwan nilapit ang palad sa bibig bago ito huminga doon na parang inaamoy nito ang sariling hininga.

Pagkatapos ay walang ano anong lumapit ito sa akin at binugaan ako ng hangin. Nagulat ako sa ginawa nito. Naamoy ko ang napakabangong hininga nito na mahihiya kang makipag palitan ng hininga.

"Hindi naman mabaho ang hininga ko misis ah?" inosenteng tanong nito. napanganga ako sa sinabi nito at napailing na lang.

Expect this guy to be childish...most of the time tsk

Hindi ko na ito pinansin at biniraan ng alis. Agad naman itong humabol sa akin at umakbay na naman.

"Hands off Ignacio" I said in my warning tone. But knowing this guy...kailan ko pa na nasindak ang lalaking ito?

"I don't want to Mrs. Ignacio" agad akong napatingala dito. Oo tingala talaga. Eh kapre tong hinayupak na ito eh. Matangkad na ako kumpara sa ibang mga babae pero pang katabi ko ang hinayupak na ito ay nag mumukha akong duwende!

"Stop calling me Mrs. Ignacio" I demanded but he just smirked.

"Ayaw ko nga. Eh sa misis naman na kita ah. Di nga lang tayo kasal" ngisi ngising sabi nito. Napabunga ako ng hangin. Sasakit ang ulo ko sa lalaking ito

"Ano bang ginagawa mo dito sa building namin ha Trail? Malayo po ang building A sa Building C... wag mong sabihing nag s-skip ka ng klase mo?!" sa di ko alam na dahilan ay ngumiti ito

"Uy di ah! Nag susumikap na nga akong mag aral para pag grumaduate na tayo... papakasalan na kita ka agad" nanlaki yung mga mata ko sa sinabi nito.

"A-anong sinabi mo?" hindi ko makapaniwalang tanong dito. PArang nabingi ako sa sinabi nito.

"Sabi ko papakasalan kita para wala ka ng reklamo pag tinatawag kitang misis ko." Walang ka abog abog na sabi nito. Parang wala lang dito ang sinabi nito pero ang lakas ng epekto nun sa akin.

Nag iwas ako ng tingin. Hindi to pwede. Bumabalik ang dating epekto sa akin ni Trail. Itong pakiramdam na ito. Parehong pareho sa naramdaman ko nong prom at nong huli itong tumawag sa akin.

For the second timeWhere stories live. Discover now